Chapter 2

670 18 0
                                        

ANG IKALAWANG KABANATA:
Family Dinner


Pagkatapos kong maglinis sa faculty, dumeretso na kami palabas ng gate ng school. Baka nando'n na sila mommy.

"Ang baho mo, babae!" Sapakin ko kaya 'to? Hindi naman kasi niya ako tinulungan.

"Oh, ayan na pala sila."

"Paris, bakit parang pagod na pagod ka?" Tanong agad ni dad nang tumigil sila sa harapan namin. Nasa front seat si dad.

"Nag-exercise po kasi ako." Sagot ko nalang at pumasok na sa van nang pagbuksan kami ni mommy. Hindi nalang sila nagtanong muli kahit naguguluhan sa sagot ko dahil mukhang napansin nilang wala ako sa mood ngayon.

"Ano pong gagawin natin doon?" Tanong ni Avi kila mommy.

"Makikikain?" Natawa naman si dad sa sarili niyang sagot.

Ganyan naman sila ni tito Rustom. Naisipan lang na magkita, pati buong pamilya na nila ay isasama na. Madalas din sila Rage sa bahay. Pero mas madalas kami sa bahay nila. Minsan din nakikitulog nalang rin kami ni Avi doon 'pag nasa mood o naisipan lang at minsan, sumasama rin si ate Persia. Kaya may mga sariling damit na kami doon at kwarto. Dating guestroom 'yung kwarto namin doon pero hindi na sila nagpapatulog do'n ng ibang bisita kasi nga, naging kwarto na namin iyon ni Avi. Minsan, 'pag out of town sila dad o business trip, doon kami umuuwi. Ganoon naging kalapit ang pamilya namin sa isa't-isa.

"Dad, doon po kami matutulog ni Avi ngayon."

"Okay," maikling sagot nito.

Malaki ang tiwala ni dad sa mga Escareal kaya ganyan nalang kadali sa kanyang pumayag. Pero 'pag ibang bahay, tatadtadin pa kami ng mga tanong saka kami papayagan. Halos pasundan pa kami sa mga bodyguard kung minsan.

"Ikaw, ate Persia? Ayaw mo?" Binalingan ni Avi si Ate.

Ngumiti lang siya ng tipid at umiling bilang sagot. Graduate na rin siya ngayon. At kung ano siya noon, ganoon pa rin siya ngayon, mahinhin at medyo tahimik. Siya nga talaga ang pinakakabaliktaran ko. Madalas akong kinukumpara sa kaniya ng mga tao. Kung gaano daw kabait ang ate ko, gano'n naman kasama ang ugali ko. Kung wala lang daw sana siyang sakit, mas karapat-dapat siyang maging tagapagmana.

Hindi naman ako kokontra doon. Malugod ko pa ngang ibibigay sakanya kung pwede lang sana.

Pero ayokong ipahamak ang Ate ko. Lalo pa't maraming kaaway si Dad sa business world. Gaya nga rin ng sabi ng ibang tao, mana raw ako sa ama ko. Mabait sa mabait, masama sa masama, saka palaban. Ganyan si Dad. Ang pinagka-iba ko lang raw kasi sakanya, masama raw ako kahit sa mabait.

Tss. Ipa-salvage ko kaya ang mga nagsabi 'nun?

Simula nang idineklara ko sa harap ng mga magulang ko at kay Ate na gusto kong mamahala at sinabing mas deserving ako, bagay na labag na labag sa loob ko dahil ayoko naman talaga, hindi na kami naging masyadong close ni Ate. Hindi na kagaya ng dati.

Pakiramdam ko kasi parang inagaw ko sa kanya ang dapat na sakanya. At natatakot akong sabihin niya saakin ng harap-harapan iyon at sabihing nasasaktan ko siya dahil doon. Hindi ko iyon kakayaning marinig kaya mas pinili ko nalang na bahagyang dumistansya.

Siya naman kasi dapat. Pero ayaw nila dad, hindi lang talaga nila masabi-sabi ng diretso kay ate. At 'pag masabi naman na nila dad iyon, sasabihin din nila ang tungkol sa arrange marriage na siguradong ikadudurog ng puso ni ate.

Alam ko at sigurado ako doon dahil madalas niyang i-kwento noon saakin na balang araw, gusto niyang magpakasal sa isang lalaking mahal niya at mamahalin din siya ng buong-buo, 'yung hindi siya lolokohin at sasaksakin sa likod. The thought of my parents forcing Ate to marry someone she doesn't love scares me. Ayaw kong masira ang kaisa-isang pangarap ng Ate ko, at ayoko siyang nasasaktan. Mabuti nang mawala ang saakin, huwag lang ang sakanya.

He's Not Mine To Keep [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon