Chapter 33

711 14 0
                                    


*Chapter 33*

"Sige na, Ris!"

"Ayoko sabi eh!" Sigaw ko.

Baka isa nanaman 'to sa mga prank niya! Naaalala ko pa noong 23rd birthday ko noong nasa US pa kami, dinala niya ako sa lugar na hindi ko alam kung saan, saka ako piniringan. Ang sabi niya surprise birthday gift niya raw saakin. Akala ko naman totoo, kaya pumayag ako. 'Yun pala, pagtitripan lang ako! Sinabi pa niya, magbilang ako hanggang 23 saka ko tanggalin ang piring ko. Pagkatapos kong magbilang at matanggal ang piring, napapalibutan na ako ng mga ahas! Pucha lang! Tapos nasa gilid lang si Avi kasama ang isang lalaking mukhang may-ari ng mga pusang galang ahas na iyon. Todo tawa naman ang bruha!

Imagine my knees trembling like hell that time but I couldn't sit or move a bit because of the thought that any inappropriate move, I might die. Kahit sinabi niya noon sa'kin na hindi sila nanunuklaw, hindi nabawasan 'nun ang takot ko. Hell, they are still snakes! They are still dangerous!

That's why I promised myself, I would never let anyone put a blindfold on me again. Magkamatayan na!

"Bakit ba ayaw mo? Blindfold lang naman, ah." Nagtatakang pagsingit ni Rocco na nakatingin na saamin.

"She almost killed me with her blindfolding shits years ago!" Sagot ko na ikinatawa ni Rocco.

"Hindi kita ipapahamak, ano ka ba!"

"No! Ayoko! Sinasabi ko sayong bruha ka, matatadyakan na kita!" Umatras ako lalo.

"Ugh! Fine! Ganito nalang. I will cover your eyes with my hands."

"Bakit ba kasi kailangan iyan?! Akala ko ba, reunion? Bakit may papiring-piring pa?!" Saglit siyang natigilan na parang may iniisip.

"Kasali ka kasi sa mga special guests."

"Paanong naging special guest?!" Saglit siyang napatingala na parang nag-iisip.

"Bunutan," maikling sagot niya.

"Bunutan?! Kailan pa naging bunutan ang paraan ng pamimili ng special guests?!"

"Ngayon," ugh!

"Avi, kung nanti-trip ka lang nanaman, better stop it. Umuwi na lang tayo." Saad ko at umayos na ng upo.

Napatingin ako sa paligid. Kaunti lang ang mga sasakyang nakapark. Mukhang hindi talaga siya reunion. Hindi ako makapaniwalang pati si Rage nakikisali sa mga pakulo ni Avi. Kung hindi reunion, ano'ng balak nila dito at napakaraming sasakyan ang nakapark ngayon?

"Okay, fine, sasabihin ko na sayo ang totoo," sabi ni Avi at napabuntong hininga.

"You better should," I crossed my arms and looked at her, waiting for what she will say.

"It's just a mini-reunion. 'Yung mga taong kakilala lang natin. Rage planned it."

"Then what does it have to do with the blindfold?" I raised my brow.

"He wants to surprise you with it?" Alanganin na sagot nanaman niya. Napairap ako.

"Rage is not dumb and so am I. Spill the freaking truth, Aviona."

"Aish naman! Just trust me nalang kasi!" Natawa si Rocco sa paraan ng pagsalita ni Avi. In exchange, he received a glare from her.

"The last time I trust you, I nearly died."

"Tss, hindi kaya! You almost fainted lang!" Pagtatanggol pa niya sa sarili niya.

"Come on, you two. Kanina pa sila naghihintay." Wika ni Rocco habang hawak ang phone niya.

He's Not Mine To Keep [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon