Prologue

1.6K 31 0
                                    

Ang Prologo:
Childhood


"Paris, Persia, come here, sweethearts." Agad kaming lumapit ni ate kay mommy nang tinawag niya kami.

"This is Rustom Escareal, my old friend. Greet him a happy birthday." Nakangiting sabi ni dad.

"Happy birthday, Mr. Escareal." Matipid na bati ko na bahagyang ikinatawa ni Mr. Escareal. Siguro ay dahil sa pormal na paraan na pagbati ko sakanya.

"You are so cute, Paris. But you can just call me tito Rustom. No formalities needed." He stated with a smile.

"And this is Persia, my eldest."

"Happy birthday, tito Rustom. I hope you enjoy your night." Magiliw naman na bati ni ate kay tito, kabaliktaran ng paraan ng pagbati ko.

Hindi naman na iyon bago. Everyone knows that my big sister has a gentle heart. Kabaliktaran ko na medyo may katapangan ang ugali.

"Of course, I will, Persia. You really look like your mom." Bumaling siya saakin. "At ikaw naman, mukhang sa daddy mo ikaw mas nagmana." Tipid nalang din akong ngumiti bilang tugon.

Tito Rustom is dad's long time friend and it's his birthday kaya nasa mansyon nila kami ngayon. Inilibot ko ang tingin sa paligid, puro matatanda ang narito. Baka puro kasosyo nila sa business nila. Ayaw ko sanang sumama pero kung hindi ako sasama, walang makakasama si ate Persia dito 'pag nagsimula nang makipag-usap sila dad at mom sa mga ka-edad nila. I don't want my ate to feel lonely.

It was a very formal party. Ano pa nga ba'ng aasahan mo sa mga businessman na ito?

"I'm bored." Ate Persia suddenly said. Hindi siya nag-iisa. Ako rin, kanina pa.

"Gusto mo pumunta tayo sa pool nila? Baka nasa likod ng bahay lang nila iyon." Suhestiyon ko naman.

"Iiwan natin sila dad? Pagagalitan nila tayo." Ngumuso ako.

"Sandali lang naman eh. Tara?" Pag-aya ko sa kanya.

"Mauna ka na, magpapaalam lang ako kila dad. Susunod ako sayo." Tumango ako at nauna na nga ako sa likod ng bahay. Tama ako, andito 'yung pool nila.

Ang ganda naman dito. 'Di hamak na mas malawak at mas maganda nga ang pool nila kaysa sa amin. Well, pati naman kasi itong mismong mansyon nila, mas magarbo kaysa sa amin.

Naglakad ako patungo roon. Gusto kong maupo do'n at ibabad ang mga paa ko sa tubig saglit. Lalapit pa sana ako nang biglang may umahon na lalaki doon. Natutop ko ang bibig ko at agad akong nagtago.

Who was that?

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Dahan-dahan ulit akong lumingon doon. Nagpupunas na siya ngayon ng katawan.

Ang gwapo niya!

Siguro mas matanda siya saakin ng ilang taon. Napatigil siya sa pagpupunas. Siguro naramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Napatingin siya sa gawi ko kaya wala sa sariling akong napaatras. May nabangga pa ako.

"What are you doing?" Masama ang tingin ng lalaking nabangga ko nang napaatras ako.

"Sinisilipan mo ang kuya ko?" Lumapit siya sa'kin na siya namang ikinaatras ko.

"H-Hindi ah!" Mariin na tanggi ko.

"Russel? What's the matter?" Napatigil ako sa pag-atras. Sigurado ako na 'yun ang kuya ng lalaking ito, 'yung nakita ko sa pool.

Uminit ang pisngi ko. Nakakahiya!

Tinulak ko bigla 'yung Russel ang pangalan at tumakbo na paalis. Nakasalubong ko pa si ate Persia pero hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa'kin.

He's Not Mine To Keep [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon