Epilogo

1.1K 31 7
                                    

"RUSSEL, BRO!" napatingin ako sa direksyon nila kuya.

"Bakit?"

"Sasama kami ni kuya Rum kay papa papunta sa kompanya ng bagong business partner niya. Gusto mong sumama?" Tanong ni kuya Rocco. Kailan pa 'to nagkainteres sa kompanya?

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Magaganda raw ang mga anak nila." Nakangising sagot niya. Pasimple akong umirap. 'Yun pala 'yun.

Dahil sa wala na rin naman na akong magawa dito sa mansyon, sumama na ako.

BWISIT talaga! Tinakbuhan ako nung dalawa! Nasa meeting na kasi si papa at hinayaan niya kaming tatlo na maglibot-libot muna. Pero ang dalawang mokong, iniwan ako!

"Aargh! Where is she?!" Napatingin ako sa direksyon ng nagsalita. It's a little girl holding a phone on her hand. Sa tingin ko, halos magka-edad lang kami. I think she's around six, or maybe seven years old like me.

She's pretty.

I instantly blushed at that thought. Agad na akong tumakbo paalis dahil nahihiya ako. Kailan pa ba ako nahiya sa babae? Ngayon lang!

"PFFT! HAHAHA!" Malakas na tawa ni kuya Rum pagkapasok namin ng kwarto. Padabog akong umupo sa kama.

"Ano ba kasing nangyari sa pool kanina?" Usisa naman ni kuya Rocco. Kwinento naman ni kuya ang nangyari kaninang sinundo ko siya sa pool kaya pati si kuya Rocco, napatawa na rin.

"Grabe, bro! Nagkaface-to-face na pala kayo ng crush mo kanina sa pool?" Tumawa nanaman siya.

"Hindi ko nga kasi siya crush!" Pasigaw na sagot ko.

"Pfft! Hindi raw, eh bakit ang pula ng pisngi mo?" Agad ko namang iniwas ang tingin ko.

"Grabe, dude! Dalawang taon na ang lumipas, patay na patay ka pa rin sa kanya kahit hindi naman kayo nagkakausap? Baka naman hindi lang crush 'yan ah." Nagsisisi talaga ako na kinwento ko sa kanila ang nangyari noong una ko siyang nakita. Nakakainis talaga!

"Pa'no 'yan, dude? Ako ang gusto niya, at hindi ikaw." I glared at kuya Rum. Kailangan pa bang ipamukha sa'kin?

"Wala akong pake. Aalis na ako." Tumayo na ako at agad lumabas ng kwarto. Tch! Ang pangit ng taste ng babaeng 'yon sa lalaki. Tsk!

"KYAAAAA!" Agad akong napatingin sa direksyon ni Paris nang marinig ko ang sigaw niya.

"Waaaaa!" Agad akong napatakbo papunta sa kanya.

"Why?!" Nag-aalalang tanong ko. Nakaupo siya ngayon sa buhanginan habang hawak niya ang phone niya.

"Waaaaa, Raage!" Agad niya ako niyakap at humagulgol.

"Ano'ng nangyari?" Tanong ko ulit. Humiwalay naman na siya sa'kin. Inayos ko ang buhok niyang nagulo.

"May girlfriend na si Rayveeer!" Sinundan niya nanaman ng iyak. Ang kaninang pag-aalala na naramdaman ko, napalitan ng pagka-irita.

Tsk! Agad akong tumayo at naglakad na paalis.

"Uy, teka! Rage, ba't mo'ko iniwan! Huy!" Hindi na ako muling lumingon. Lagi nalang si Rayver! Babaero rin naman 'yun! Nakakainis talaga! Sinalubong ako ng ngisi nila kuya Rum nang makabalik ako sa table namin.

"Selos ka, pre?"

"Tss!" Nasabi ko nalang.

"Kung ako kasi sayo, ligawan mo na. Gusto ka naman niyan eh." Udyok pa ni kuya Rocco.

He's Not Mine To Keep [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon