Chapter 31

649 22 0
                                    


*Chapter 31*

"NAKATUNGANGA KA diyan?" Umupo si Avi sa tabi ko.

"Alam na ni Rage," wala sa sariling wika ko.

"Ang alin?"

"Ang lahat ng kailangan niyang malaman," sagot ko habang nakatitig pa rin sa kawalan.

"Totoo? Buti naman kung gano'n." Napabuntong-hininga ako sa naging sagot niya at kumalumbaba sa table.

"How did it go? Maayos ba kayong nag-usap?"

"Medyo," matipid na sagot ko.

"Ano naman ngayon ang nararamdaman mo?" Pang-uusisa pa niya. Dapat talaga naging imbestigador nalang 'to.

"I feel so wronged and at the same time, I feel so bad about myself."

"Huh?" Kumunot pa ang noo niya.

Tsk! Umupo na ako ng maayos at hinarap siya.

"Alam mo ba 'yung pakiramdam na ang laki ng kasalanan mo pero never kang nasisi, nasigawan, o mapagalitan man lang? 'Yung takot na takot ka na mangyari ang isang bagay pero parang nagrereklamo ka pa na bakit hindi iyon nangyari? 'Yung pakiramdam na gusto mong magalit sa isang tao kasi hindi siya nagagalit sayo?" Naguguluhan naman siyang tumingin saakin.

"Hindi kita maintindihan," sagot nalang niya.

"Ugh!" Pinatong ko nalang ang ulo ko sa table.

"Should I call a psychiatrist? Nababaliw na ba ako?" Baka naman nababaliw na talaga ako? Hindi ko na kasi maintindihan ang nararamdaman ko.

"Tsk! Ang OA mo naman. Para lang diyan mababaliw ka na?" I glared at her.

"Ni hindi mo na nga naiintindihan ang mga sinasabi ko eh! Pati sarili ko hindi ko na rin maintindihan!" Bulyaw ko.

"Isa lang naman ang sa tingin kong dahilan diyan eh. Konsensya," sinundan niya pa iyon ng tango na parang sinasabing sumasang-ayon siya sa sinabi niya rin mismo.

"Tama ako, 'di ba?" I rolled my eyes. Nagtangong pa, confident na confident naman na siya sa sinabi niya eh.

"Mali," napatingin kami sa direksyon ng lalaking nagsalita.

"Oh? Rocco, ikaw na ba 'yan?" Kunwari hindi makapaniwalang tanong ko nang nakaupo na siya sa isang silya.

"Yup! Ano, mas gumwapo ba?" Saad niya saka kumindat. Umirap naman si Avi sa nakita.

"Gwapo raw? Tsk! Kapal," parinig naman ni Avi.

"May sinasabi ka, love?" Nanlaki ang mga mata ko. Anong 'love'? Sila na?!

"Huwag mo nga akong tawagin niyan! Hindi kita boyfriend!" Sigaw ni Avi kay Rocco.

"So what? Masama bang tawagin kita 'nun? Mahal naman kasi talaga kita ah." This time, napatakip pa ako ng bibig. Hindi po ako updated!

"Anong meron sa inyo? Bakit wala akong alam?"

"Walang meron saamin! Walang 'us'! Walang 'kami'! Alin doon ang hindi mo naintindihan, Ris?" Asar na sagot niya. Oh eh ba't naasar 'to?

"Bakit nanaman ba, love? May ginawa ba akong masama?" Nilapit pa niya ang upuan niya kay Avi. Naglandian ang mga hinayupak sa harapan ko. Tsk! Naiinis akong tumayo.

"Saan ka pupunta?" Pagpigil niya saakin.

"Kung saan walang mga langgam. Bakit aangal ka?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sasama ako--" tatayo rin sana siya nang pinigilan siya ni Rocco sa braso.

"Sige na, Paris, alis ka na." Wika ni Rocco saakin.

He's Not Mine To Keep [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon