Chapter 32

674 13 0
                                    


*Chapter 32*

"Momma, I'm getting uncomfortable." My son informed. Uminom ako ng tubig bago siya tinignan. Nasa canteen na kasi kami at kasalukuyang kumakain.

"Bakit?" I asked. Binaba niya ang kutsara at tinidor na hawak niya at pasimpleng iginala ang tingin sa paligid.

"Why do they keep on staring at me? It's annoying." Natawa ako. My son is getting embarrassed.

"You should get used to it too." I smiled.

"Why? And why are they staring at me? Am I not a human in their eyes or something?" I chuckled.

"They have a crush on you." I teased. Hindi naman niya pinansin ang sagot ko. Nakatingin lang siya saakin na parang nag-aabang ng matinong sagot.

"Well, aside from your skin," automatic naman siyang napatingin sa kutis niyang maputla,"you have good looks like your papa, with an aura of a rich kid, and you are just too cute that people will regret if they won't grab the chance to stare at you." Hindi naman na siya nagsalita pa at pinagpatuloy na ang pagkain habang sinusubukang hindi bigyan ng pansin ang mga titig ng ibang mga estudyante rito. Someday, masasanay din siya. Kagaya ng ama niya na halos wala na ngang pakialam sa mga titig at komento na binabato sa kanya ng ibang mga tao.

"Anak ba siya ni ma'am? Ang cute!"

"Pero kamukha ni sir Rage eh."

"Baka naman isa silang buong pamilya."

Rinig kong usapan ng mga batang medyo nasa tabing table namin.

Buong pamilya? Ngayon lang pumasok sa isip ko iyon. The twins, Rage and I? Pamilya? Matatawag pa rin ba kaming buo kahit wala naman kaming relasyon ni Rage? Bukod sa koneksyon namin bilang mga magulang ng kambal, ay wala nang iba pang namamagitan sa amin.

"Momma?" Hinawakan ni Russia ang kamay ko para kunin ang atensyon ko.

"Bakit, anak?" Tugon ko naman.

"Papa and sis," turo niya sa gawi ng pinto. Sakto namang paglingon ko, nagtama ang tingin namin ni Rage. Agad naman na silang naglakad palapit saamin. Hindi rin nakaligtas sa pandinig ko ang mga impit na tili at bulungan ng mga estudyante. Tsk! Mga kabataan talaga.

"Kuya, I want fries." Umupo si France sa tabi ng kuya niya at agad ngumanga. Agad namang kumuha si Russia at sinubo ang fries sa bibig ng kapatid.

"You still have classes?" Tanong sa'kin ni Rage nang makaupo na rin siya.

"2pm," sagot ko.

Kukunin ko na sana 'yung kutsara ko para sumubo ulit pero inunahan niya ako. Naglagay siya ng pagkain sa kutsara at tinutok sa bibig ko. Agad naman akong namula at tumingin sa paligid.

"Nasa school tayo, Rage, ano ba?" Pagsaway ko sakanya pero tinignan niya lang ako na parang sinasabing, 'oh, tapos?'. Kainis!

Akma kong kukunin muli sana 'yung kutsara sa kanya pero nilayo niya iyon sa kamay ko. I glared at him. Damn him! Nakakahiya sa mga bata!

"Aah," wala na akong nagawa kundi ngumanga at tanggapin iyon.

Agad ko namang inagaw sakanya ang kutsara nang maglalagay siyang muli ng pagkain doon na ikinatawa lang niya. Napapadalas na ang pagtawa at pagngiti ng lalaking 'to. Nagiging madaldal na rin minsan. People change pala talaga. Tsk!

"Last class mo na ba 'yon?" He asked again. Tumango nalang ako.

"Let's go out with the kids after your class." He said na ikinatigil ko. Kami ng mga bata? Lalabas kasama siya?

"My Gleam?"

"Yeah, sure," sagot ko agad at napatingin sa kambal. Sinusubuan na rin ni Russia ang kapatid ng fries tuwing kinakalabit siya nito. He's spoiling her again.

He's Not Mine To Keep [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon