Chapter 6

464 12 0
                                    

ANG IKAANIM NA KABANTA:
Bad Day

Pasado eleven na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi kasi ako mapakali sa nangyari kanina. Hindi ko rin kasi natanong kung ayos lang ba si Rage. Sobrang higpit daw kasi ng hawak ni Rage kanina sa baso kaya nabasag. Manipis pa naman daw na baso iyon.

Nag-aalala talaga ako. Dinala kasi siya ni Elycha sa kwarto nilang magkakapatid kanina para doon gamutin. Pagkatapos ay hindi na talaga siya lumabas pagkatapos siyang gamutin ni Elycha. Gusto na raw niyang magpahinga at ayaw na raw niyang magpa-istorbo kaya sa kwarto ni tito Troy natulog 'yung dalawa niyang kapatid.

Hindi ako mapakali. Nilingon ko sina Avi, Paige at ate Persia. Tulog na sila. Dahan-dahan akong umalis sa kama para hindi sila magising. Naka-tip-toe naman akong naglakad patungo sa pinto. Madali pa naman makaramdam si Ate Persia kahit tulog. Mabagal kong binuksan saka sinara 'yung pinto pagkalabas ko. Nagtungo ako sa kwarto ni Rage. 

Kakatok ba ako o bubuksan ko nalang? Inikot ko 'yung door knob. Naka-lock. Sabi ko nga kakatok nalang ako. 

"Who the fuck is that?!" Bwisit 'to. Makasigaw kala mo ang laki ng kasalanan sa kanya ng mundo. Sapakin ko 'yan eh.

"Ako 'to." Mahinang sagot ko. Hindi siya sumagot. Oo nga pala. Bumobobo ka na, Paris. Sinong 'ako' nga naman ang tinutukoy mo? Baka hindi pa kilala ang boses mo.

"Si--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko.

"What do you need?" Binuksan niya na ang pinto bago pa ako makapagsalita. Saglit akong natahimik. Ano nga ba?

"Tss," umirap siya saka isasara na sana ulit ang pinto nang pinigilan ko siya at agad akong pumasok bago pa niya ako pagsarhan ulit.

Inirapan niya nanaman ako saka nagtungo na sa bed niya at umupo. Nakita kong puno na ng dugo ang benda niya sa kamay. Mukhang masyadong malalim yung mga tinamo niyang sugat at mukhang wala siyang pakialam do'n. Napabuntong hininga ako. Tinabihan ko siya sa kama. Inabot ko ang kamay niya pero binawi lang din niya ulit.

"Papalitan ko 'yang benda o magagalit ako sayo?" Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. As if naman na gagana.

"Fine," agad niyang ibinalik sa pagkakahawak ko ang kamay niya. Palihim akong napangiti. Gumagana pala.

Tahimik ko lang na pinalitan ang benda niya sa kamay ng bagong benda na kinuha ko sa side table niya. Pagkatapos ko itong palitan, nakatingin lang siya sa may balcony at mukhang walang balak magsalita. I want to know why he did that. Hindi tamang mangbabasag na nga lang siya ng baso, sa kamay niya pa mismo.

Napabuntong-hininga ako at tinanong na siya. "Why did you do that?" Hindi niya parin ako tinitignan at mukhang wala siyang balak sumagot.

Gusto ko siyang sigawan. Dahil sa kanya, wala sa oras akong nagkaroon ng boyfriend. Hindi ko naman masabi kay Gavin na ayoko muna. He was too kind, honest and real. Wala siyang kahit anong bahid ng kapintasan sa pisikal man o ugali. I don't want to spoil the evident happiness shown in his face kanina. I'm not that heartless. I maybe a bitch but only to those people I don't really like and can't get along with.

Gavin is like Elycha's boy version. The only reason lang naman talaga kung bakit ayaw ko kay Elycha is because he took Rage away from me.

"Rage," I called him.

"Go away."

Naiinis na ako ah. Ako dapat ang naiinis. Nagsusungit dapat ako ngayon pero napalitan ng pag-aalala. At wala siyang karapatan na maging suplado dahil pinag-alala niya ako. Kami.

Marahas kong hinarap ang mukha niya saakin sa pamamagitan ng baba niya.

"Tsk!" Marahas niya ring hinawi ang kamay ko. Damn! My patience is long when it comes to him but not this time.

He's Not Mine To Keep [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon