Chapter 23

666 21 0
                                    


*Chapter 23*

"Don't be nervous."

"I'm not." I cleared my throat.

"It's obvious, Ris." She pointed out.

We're now on our way to my parent's house. And damn me if I would say I am not really nervous at all. Hindi biro ang limang taong hindi namin pagkikita. Ginugol ko ang buong limang taon na iyon sa pag-aaral at pag-alaga sa mga anak ko hanggang sa maging ganap na akong guro. Limang taon rin akong hindi nakatapak sa Pilipinas kaya medyo naninibago ako. Isama mo pa itong sobrang kabog ng puso ko dahil makikita ko nang muli ang mga magulang ko at ang kapatid ko.

Balita ko rin ay may anak na rin ang kapatid ko. She had an arranged marriage right after I left. Noong nalaman ko iyon, I almost planned to come back to take her place again as the heiress. Pero nalaman ko noon na buntis ako and I can't risk it. Ano nalang ang iisipin ng mga tao? Hell, I just turned 19! Mas lalo lang masisira sila mommy kung bumalik ako at malaman ng lahat na buntis ako sa mura kong edad.

Thank goodness, lola and Avi were there to support me. I really salute the single moms who literally raised they kids alone. I wouldn't have made it without Lola and my cousin.

"Andito na po tayo, ma'am." Tinigil na ni Mang Berto ang sasakyan. Si Mang Berto ngayon ang driver nila dad. Pinasundo nila kami sa airport.

Napatingin ako sa bintana ng sasakyan. Tumambad saakin ang bahay na kinalakhan ko. Five years had already passed and it's still the same.

"You want to know something amusing?" She asked, smiling.

"What?"

"Ginawa ng mommy mo ang lahat para mapanatili ang kaayusan at istraktura ng mansyon mula nung umalis ka dahil ayaw niyang manibago ka sa pagbabalik mo. She did not know when will you come back or if do you even still have plans on coming back, but she held on to her hope that someday, her youngest daughter will be home again. Someday, she will finally find it in her heart to forgive her with her awful mistakes as her mother."

"Hindi bagay sayo, Vi." I said and laughed. Paano ba naman, mala teleserye ang pagbanggit niya sa bawat katagang sinabi niya.

"Seriously? Ni hindi ka manlang naantig sa aking mga tinuran? Psh! KJ mo talaga!" Inirapan niya ako na tinawanan ko lang. Hindi kasi bagay sa kanya ang malalalim na mga salita.

But of course I appreciate it. Saka matagal ko naman na silang napatawad. It's just that, time really heals but scars from those painful memories will still remain.

But what matters most is... it's healed. The scars are just mere reminders of victory agaist being caged from the pain of the past.

"Come on," aya saakin ni Avi. Lumabas na kami pareho sa van.

"Mang Berto paki-pasok nalang po sa loob ang mga bagahe namin, ah."

"Wait, I thought sa condo tayo titira?" Takang tanong ko.

"Oo, pero pinapaayos pa kasi ni lola. She said, dito raw muna tayo kasi under renovation ang condo. Alam mo na, para safe sa mga bata at para paglipat natin doon, ayos na ang lahat." Tumango nalang ako.

Gusto ko sana kasing bumukod muna because I am still trying to cope up with everything that I have left. Magkaka-ilangan lang kami nila dad at mom 'pag nagkataon. The renovation will only be more or less than a week. I'm fine with that.

Pumasok na kami ni Avi, kaya heto nanaman ang puso ko sa pagkabog ng malakas.

Calm down, Gleam Paris. It'll all be fine.

Binuksan na namin ni Avi ang magkabilaang pinto ng main door.

"Welcome home, Paris and Avi!"
Tumambad saamin ang napakalaking tarpaulin na may 'Welcome home' na nakasulat, kasabay ng mga confetti.

He's Not Mine To Keep [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon