Chapter 9

488 18 0
                                        

ANG IKASIYAM NA KABANATA:
Denial

Medyo kinakabahan akong binuksan ang sliding door papunta sa garden. Nakita ko siyang naka-upo sa pool at nakababad ang mga paa sa tubig. Agad ko siyang tinabihan pagkalapit ko.

"Hey."

"What is it?" Medyo supladang bungad ko. Syempre tampo-tampo rin tayo ng kaunti.

"How are you these days?"

"Huwag mong sabihing pinababa mo ako para lang sa tanong na 'yan?" Asar na tanong ko.

Hindi siya sumagot. Tatayo na sana ako nang nagsalita siya.

"I had a very fucked up life this past week." Saad niya na ikinatigil ko. Nilingon ko siya na nakakunot ang noo. Para siyang nakatingin sa malayo na parang ang lalim ng iniisip. So I waited for him to talk again.

"I was so damn hot-tempered and always out of mood these past days. Pati nga ang ibang mga kasama kong officers, napagbubuntunan ko na rin. We almost faught, which is something that I don't usually do." He slightly chuckled after the last sentence. "And until now, I don't fucking know why." Napabuntong hininga siya at nilingon ako. Nagtama ang paningin namin na mas lalong ikinakaba ko. He's eyes are full of emotions I can't name. He's gaze was so intense that I looked away.

"Nagsimula lang naman ito noong minsang nagpunta ako sa Druco's gamit ang dating porche ni kuya Rum na binigay niya na sa'kin. Si kuya Rocco ang hanap ko noon, pero iba ang nakita ko." Nanlaki ang mata ko. Siya pala talaga 'yun!

"I don't know why I was too angry that time. Maybe because I'm not used to see you flirting with a guy. Oo, alam ko na marami ka ngang kinasangkutang gulo tungkol sa mga lalaki sa school. Lagi iyong umaabot saakin. Pero hindi naman kasi talaga kita nakikitang 'nang-aagaw' sa akto." That's because wala naman kasi talaga akong inaagaw! Pucha naman oh! Hindi ko nalang siya kinontra at hinayaan siyang magsalita.

It's my first time hearing his thoughts about me and I wanna know more.

Nilingon niya ang kamay niyang nasugatan noon. Naghihilom na iyon pero mukhang magkaka-peklat ang mga iyon. "I also don't know why I did that. Maybe because of same reason. You kissed a man, in front of me, in front of our family." Hindi ko hinalikan si Gavin sa harap niya o sa harap ng pamilya namin! Nasa medyo malayong parte kaya kami 'nun! At siya lang ang nakakita saamin noon! Masyado na siyang nagiging-OA.

Tinitigan ko rin siya. "You were jealous." Hindi iyon tanong. That's a statement. If not, what's his reason of doing those?

Saglit siyang natigilan. Nagbago ang expression niya. Ang dating malalim at intense niyang tingin ay naging parang matalim, matatag, at defensive.

"No. I was not." Matigas na pagtanggi niya saka niya iniwas ang titig niya saakin.

"Hindi lang ako sanay na nakikita kang kasama ang ibang lalaki maliban saamin ng mga kapatid ko. I am protective of you like how I protect Princess from boys. Hindi man kita kapatid sa dugo," napalunok siya na parang nagsisilbing buwelo niya sa susunod niyang sasabihin. "I'm already treating you as my younger sister."

Ouch. Sister zone, ei?

"So you are saying, galit ka saakin sa mga nagdaang araw dahil hindi ka lang sanay na nikikita ako na may ibang lalaking kasama?" I looked at him in disbelief. That was too unreasonable and unbelievable.

"I don't know. I'm not sure." Eh gago pala 'to eh!

"You like me as a woman." I insisted. Masyadong mababaw ang rason niya para sa mga inakto niya nitong nakaraang mga araw.

He's Not Mine To Keep [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon