Chapter 7

453 17 0
                                    

ANG IKAPITONG KABANATA:
Who To Blame?


[Ano ka ba naman, Paris! Hindi pa kami nakakaalis ng daddy at ate mo, may bagong gulo ka nanamang pinasok! I told you to behave, didn't I! And obviously, hindi mo nanaman sinunod!]

"Mom, hindi ko 'yun sinadya, okay?" I said, getting frustrated with the situation.

[Anong hindi?! You pushed your cousin! 'Elycha Cruz fell off the stairs because of the Hernandez heiress', that's all over the news, Paris!]

Paano naman 'yung opinyon ko, mom? Hindi niyo manlang ba iko-consider? Hindi niyo manlang ba ako pakikinggan kahit saglit?

Napapikit nalang ako sa sobrang pagkairita. I can't say those questions out loud. Magmumukha akong mahina sa harap ni mom.

"I'll take care of this, mom. Hindi niyo na kailangan pang pumunta dito. Don't worry." I assured her.

[Don't worry?!] Agad kong nailayo ang phone ko sa tenga ko dahil sa sigaw niya. [Alam mong magiging malaking issue 'yan. You are your father's heiress and you just pushed your cousin to fall on stairs. I always tell you to think of our family's reputation before getting yourself involved in such things. Paulit-ulit ko iyang sinasabi sayo. And you disobeyed me! Again!]

Goodness! Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko.

I never pushed anyone! That was an accident! Besides, it's supposed to be Lara's fault! Siya ang tumulak saakin, dahilan para maitulak din si Elycha na nasa likod ko noon! I would never dare to push anyone to fall on stairs! Hindi ako gano'n kawalang-modo!

"Mom, please listen," I almost begged. "It wasn't my fault--"

[Shut up!] Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni mom. It's not the first time na pagalitan niya ako. But this is the first time na akusahan niya ako ng ganito. Punong-puno pa ng galit ang pagkakasigaw niya.

[Tatianna! Huwag mong sigawan ang anak ko!... Shut up, Demitrius!] I felt a lump on my throat.

Hearing dad and mom fight because of me stings my heart. I really didn't want that to happen. Kahit galit ako kay Elycha, I would never want this to happen to her. Kung hahayaan lang sana ako ni mom na magpaliwanag.

Pinutol ko nalang ang tawag. Baka 'pag tumagal pa iyon ay tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Masyado pa naman akong sensitive pagdating sa pamilya ko.

Crying for me means giving up. As long as I can still hold on, I would never let my tears fall. Not when I still have the will to fight.

Lumabas na ako sa cubicle na pinagtataguan ko. Nagtungo ako sa harap ng salamin at inayos ang sarili ko. I would never let anyone see me weak.

If they want me to be the bitch, then so be it.

Nagtungo na ako sa office ni tito Augustus. Siguradong naroon na ang parents ni Elycha. And of course, pati si Rage.

"Paris," Tito Augustus greeted.

Lumapit na ako sa kanila. Lara is in front of Elycha's parents na ngayon ay nakaupo sa mahabang sofa. Sa pang-isahang sofa naman sa dulo nakaupo si tito Augustus. Katapat niya si Rage na nasa kabilang dulo rin. Nagtungo ako sa tabi ni Lara. Maliit nalang na table ang nakaharang sa pagitan namin ng mga Cruz.

"I'm sorry for what--" nagulat ako sa sumalubong sa dapat sanang sasabihin ko.

"Mrs. Cruz!" Saway ni tito Augustus sa mommy ni Elycha.

That hella hurts.

Nilingon ko si Rage upang makita ang reaksyon niya sa pagsampal saakin ni tita. Pero walang emosyon pa rin na makikita sa mukha niya sa kabila ng ginawa ni tita. 

He's Not Mine To Keep [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon