Chapter 13

488 16 0
                                    

ANG IKALABING-TATLONG KABANATA:
Shot

We're now on the beach. And thank goodness there's a mini-bar counter on the side. Dumeretso ako doon.

"Happy birthday, Ms. Paris. What do you want?" The bartender asked. Naalala ko sakanya si Gavin. Kumusta na kaya yung kumag na 'yun?

"I want the hardest drink you can give."

"Pero maaga pa naman. You should enjoy your night since this night is meant for you."

"Just give me anything you can give." Mataray na wika ko.

"Rum?" He then asked.

"Yeah. I like that."

"Really? You like me?" Tanong ng tumabi saakin. Napairap ako. It's kuya Rum.

"Just give it to me, Mr. Bartender." Sabi ko nalang sa lalaki.

"Right away, miss."

"Where's Avi? Ba't 'di mo kasama?" Kuya Rum asked

"I don't know. Probably somewhere, planning something wicked again." Sagot ko nalang. Alam kong may pinaplano nanaman 'yun. Bigla nalang akong iniwan eh.

"Here's your drink, miss." Inabot saakin nung bartender ang rum.

"Hindi parin kayo nagpapansinan?" Kuya asked.

"Shut it, kuya. Ayoko muna siyang pag-usapan. Siya ang laman ng isip ko buong araw at hindi naging maganda ang idinulot 'nun." Natawa siya sa naging sagot ko.

"Hindi siya makausap ng maayos, kanina pa. He's like mentally travelling outerspace. Maybe he's really serious when he said he wants to figure things out slowly and surely." Sinamaan ko siya ng tingin. I just told him I don't want to talk about him.

Itinaas niya ang kamay niya bilang pagsuko na titigilan na niya si Rage bilang topic. Inubos ko na yung isang glass ng rum at hihingi pa sana nang sumigaw si Avi.

"Gather, Everyone!" Sigaw niya, malapit sa bonfire na ginawa nila kuya Rocco. Nagtungo nalang kami dun nang tahimik. Knowing this witch, manghihila talaga 'yan kung magpapaka-kj ka.

"Make a circle, everyone." Utos niya na tahimik naming sinunod saka kami umupo. Hindi masyadong malaki 'yung circle. Konti lang naman kasi kami. Maagang natulog 'yung mga iba dahil sa sobrang pagod. Na-excite ba naman ng sobra sa pag-swimming at 'yung iba, maagang nag-inuman, kaya 'yon, bagsak.

Ang narito nalang ay ako, bruhang si Avi, mga kaibigan niyang mga kalahi niya, mga hindi ko naman kilalang schoolmates pala namin, bruhildang si Lara at mga alipores niya, at 'yung mga nakakainis na Escareal.

"Good evening, everyone. Tonight, I will be your host."

"Anong host yang pinagsasabi mo?" Tanong ko.

May matigas na board kasi sa gitna at bote na nakapa-ibabaw rito. Maglalaro lang ng naman kami ng spin the bottle may host pa?

"Shush, birthday girl. Don't worry, mag-eenjoy ka." May hawak siyang dalawang box. "Alright, everyone, maglalaro tayo ngayon ng spin the bottle but with a twist. Paris, please sit here." Turo niya sa monoblock na upuan. Why would I? Nakapwesto iyon sa pagitan niya at ni Dianne. Nakasali parin yung uupuan ko raw sa bilog na ginawa namin.

"Just come here." Napairap ako at sinunod nalang siya. Birthday ko nga pero maka-utos 'to parang siya 'yung may birthday. Lahat ng gusto niya dapat masunod.

Nilapag niya sa gitna, malapit sa bottle, ang dalawang box.

"That box," Turo niya sa black na box. "Contains the dares for boys. And that one," Turo naman niya sa white na box. "Contains the dares for girls. So ganito 'yan. May tatlong klaseng dare ang meron diyan. Do it for Paris, do it to Paris, and let Paris do it." Nakangiti niyang paliwanag.

He's Not Mine To Keep [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon