Chapter 10

585 19 1
                                    

ANG IKASAMPUNG KABANATA:
Own


"Ris, alam mo bang kanina pa naghihintay si Rage sayo sa parking lot?" Bungad ni Avi nang malapitan na niya ako.

"Alam ko," simpleng sagot ko. Nasa clinic nanaman ako ngayon. Nakasanayan na naming tumambay dito eh.

"Iyon naman pala. Ba't di mo pa puntahan?"

"Maya na." Sagot ko ulit at nagpatuloy na sa paglalaro sa phone ko.

"Akala ko ba nagkaayos na kayo? Ba't mo pinaghihintay? Nag-iinarte ka lang nanaman? Baka magalit nanaman 'yun sayo, bahala ka."

"Hindi 'yan." Kampanteng sabi ko. Bumabawi palang saakin 'yan kaya samantalahin hangga't mabait pa.

Napangisi ako sa naisip ko.

"Bahala ka, aalis na ako."

"Ha? Iiwan mo 'ko dito?"

"Nasa parking lot na rin kasi si Rocco."

"Okay. Tara na." Naguguluhan man, tumango nalang siya.

Nagtungo na nga kami sa parking lot.

"Ba't ang tagal niyo?" Kalmadong tanong ni Rage. Pero siguradong nagtitimpi lang 'yan sa loob niya. Ayaw niyan ng pinaghihintay ng matagal eh.

"Si Paris kasi--"

"Tara," pagputol ko sa dapat na sasabihin ni Avi. Balak pa akong ilaglag.

Pinagbuksan na ako ng pinto ni Rage, gayun din si kuya Rocco kay Avi.

"Sino yung Tyrone?" Biglang tanong niya habang nasa daan kami. Kita mo 'to. Daig pa reporter kung magtanong. Kulang nalang maging host.

"Kaibigan ni Avi." Maikling sagot ko nalang.

"Akala ko ba kayo na ni Gavin?" Kunot-noong tanong niya.

"Si Gavin ba?" Sasabihin ko na ba? Hayaan na muna.

"Oo nga. Ka-grupo ko lang naman sa project si Tyrone." Pagsisinungaling ko

"Gagawa lang ng project, kailangan pang magbeso?" Pabulong na saad niya habang iniikot ang manibela dahil liliko na. Napangiti ako. Hindi nalang ako nagsalita pa hanggang makarating kami sa mansyon nila.

"Ano, Ris? Tara na?"

"Sige." Tumango naman siya. It's already eight in the evening at pupunta kami ngayon sa Druco's.

Bumaba na kami sa sala pagkatapos naming mag-ayos. Naabutan pa namin na nanonood sila Rage at kuya Rocco sa may sala.

Napatingin saamin ang dalawa at pinasadahan ng tingin ang ayos namin mula ulo hanggang paa.

"Saan punta niyo?" Tanong ni kuya Rocco.

"And what the heck are you, guys, wearing?" Tanong naman ni Rage.

"Dress?" Patanong na sagot ko kay Rage.

"Druco's." Sagot naman ni Avi sa tanong ni kuya Rocco.

"That is not a fucking dress, Gleam Paris." Napairap ako. Napansin ko kay Rage, he curse too much when he gets jealous and protective.

"It is, Russel Art." Madiin na sabi ko.

"Anong gagawin niyo 'dun?" Nakataas ang kilay na tanong ni kuya Rocco.

"Duh, gagawa siguro ng project. Ano bang ginagawa sa club?" Pabalik naman na tanong ni Avi.

"Answer me fucking properly, Roanna Aviona." Ay ano 'to pahabaan ng pangalan?

He's Not Mine To Keep [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon