Chapter 28

692 17 0
                                    


*Chapter 28*

Maaga akong nagising dahil marami pa akong kailangang ayusin sa table ko sa faculty.

6:30 palang andito na ako sa dining table para mag-agahan. Napatingin ako sa pintuan nang pumasok doon si mommy. She smiled at me.

"Good morning, mom," I greeted.

"Good morning, anak," umupo siya sa tapat ko.

"Ang aga mo ngayon ah," kinuha niya ang baso ko at nilagyan niya ng tubig. Nginitian ko lang siya. Medyo nailang ako nang tinititigan lang niya ako habang kumakain ako.

"K-kain po kayo?" Tama ba yung tanong ko? Ah ewan,

"Mamaya na, anak. I'm sorry, naiilang ka ba na nandito ako?"

"H-hindi po!" Agad na sagot ko. Nginitian niya muli ako.

"I'm just happy that I get to see you again in person after five years. I know, hindi ka parin komportable saakin, at naiintindihan ko iyon." Inabot niya ang kamay ko at pinatong roon ang kamay niya. "Uunti-untiin natin," she smiled.

"Thank you, mommy," I smiled back. "Thank you for understanding," pinagpatuloy ko nang muli ang pagkain habang siya, pinagtimpla ako ng gatas pero bumalik rin sa paninitig saakin.

"Alis na ako, mommy." Sinamahan pa niya ako palabas at papuntang garahe. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan.

"Ingat, anak," she kissed my cheek.

"Thanks, mom," pumasok na ako. Sinara naman na niya ang pinto. I mouthed 'bye, mom' and she just waved at me.  I started the engine and drove off to school.

"Good morning, Paris," my co-teachers greeted me, so greeted them back. Dumeretso nalang ako sa table ko at nilapag doon ang mga gamit ko.

"Morning, Paris!" Nilapitan ako ni Grace, co-teacher ko at kaibigan na rin.

"Musta?"

"Ayos lang naman," I answered.

"I hope hindi ka nahirapan kahapon sa pagtuturo."

"Hindi naman, sanay--" naputol ang dapat sanang sasabihin ko nang naagaw ang atensyon namin ng isang guro.

"Oh, she's at it again," Grace said.

"What?"

"That's Faith Danielson," she pointed at the lady who just slammed her table a while ago. Nasa harap niya ngayon ang isang lalaking estudyante na hindi nakabutones ng maayos ang uniform, may kulay ang buhok, at may hikaw sa tenga at ilong.

"Ano ba kasing kinalaman ng buhok at hikaw sa pag-aaral, ma'am! Lahat nalang kasi, binabawal niyo!"

"Aba't! Hoy, Mr. Dimagiba! Para sabihin ko sayong tangna ka," napangiwi ako sa pagmura niya. "Ako ang batas dito!" Ano raw? Natawa si Grace sa narinig.

"Pero joke lang, shempre," lumapit siya sa bata at tinapik ang balikat niya. "Alam mo bang mas pasaway pa ako sayo 'nung kabataan ko? Alam mo bang hindi lang bagod ang inakyat ko makapag-cut class lang? Pati puno 'nung santol sa likod ng main building inakyat ko noon makalabas lang!" Mayabang na sabi niya. Kita mo naman ang bilib sa mata nung bata.

"Tama bang ipagmayabang mo sa bata ang mga maling gawain mo noon?" Nasabi ko nalang. Tinawanan lang ako ni Grace. "Just watch," nanahimik nalang ako.

Marami pang sinabi si Faith na puro kalokohan raw niya noon.

"Wow, ma'am! Ang astig niyo naman po!" Bilib na bilib naman na sabi nung bata.

"Hah! Ako pa ba? Pero alam mo ba, isa lang ang hindi ko ginawa."

He's Not Mine To Keep [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon