Chapter 5

534 14 0
                                    

ANG IKALIMANG KABANATA:
Boyfriend

Today is Sunday at kagagaling lang naming pamilya sa simbahan. Pero ngayong hapon ay may outing kami ngayon kasama ang mga Escareal, sa isa sa mga pinakasikat at malawak na resort na pag-aari namin.

Ipapa-close sana muna ni dad pero sabi ni tito Rustom na hindi na raw iyon kailangan. Napakalawak daw ng resort para ma-occupy naming lahat. Usapan nila ay magkikita nalang daw kami doon.

"Yeeeeey!!" Bwisit 'tong Avi na 'to. Kala mo ngayon lang makarating sa resort.

"Ano ka ba, Vi. Nakakahiya sa mga tao. Para kang bata." Natatawang sabi ni tito Troy, daddy ni Avi.

"Ikaw naman, Ris, huwag ka ngang laging nakabusangot diyan. Nagmumukha ka namang matanda diyan na nalugi sa negosyo." Mas lalo lang akong bumusangot sa biro ni tito. Napakadaldal talaga, gaya ng anak niya. 

Umalis nalang ako at nagtungo sa table na napapalibutan ng apat na steel na upuan, malapit sa pool. Umupo ako sa isa sa mga upuan at gayon din si Avi na sinundan ako.

"Oy, Ris! Tignan mo si kuya Rum oh! Ang hot! Batak na batak ang mga muscles niya!" Komento ni Avi na titig na titig sa gawi nila kuya Rum.

Malamang, twenty-five na 'yan. Twenty-five na pero wala paring girlfriend. Sus! Kung di lang si Rage ang gusto ko, 'di sana may girlfriend na siya. Sobrang ganda pa! Age doesn't matter, you know.

Wala sa sariling napakagat-labi ako habang nakatingin kay kuya Rum. Si Rage kaya? Matagal-tagal ko na rin hindi nakikita ang abs 'nun. Naging walo na kaya? Hinanap ng mga mata ko si Rage. Nasa cottage lang namin siya at kasalukuyang masama ang tingin sa gawi ko. 

Problema nito? 

Inis niyang inalis ang tingin saakin saka siya naghubad ng damit. Tila mala-pelikulang nag-slow motion ang lahat.

Deeyyum hot! Shit, Inaakit ba ako ng lalaking 'to? Naalis na niya ang damit niya pero nakatingin pa'rin ako sa katawan niya. Nginisihan naman niya ako nang magtama ang mga tingin namin. Shocks! Kanina, naiinis. Ngayon, nakangisi na.

"Oy, Ris! Ba't ka namumula?" Bwisit 'tong babaeng 'to! Nilingon ko ulit si Rage. Para siyang modelong naglakad palapit kay kuya Rum.

Hindi ko siya maiwasang ikumpara kay kuya Rum. Pag twenty-five na rin ba siya, ganyan rin kaya ang magiging katawan niya o mas hot pa? I mean, oo, hot si kuya Rum. Pero kasi, nineteen palang si Rage pero parang halos magkasing katawan na sila ni kuya Rum.

"Mukhang magre-race sila Kuya Rum at Rage. Ris, pustahan tayo!" Suhestiyon ni Avi.

Kung magre-race nga sila, dito sa banda namin ang finish line. So, nasa tapat namin sila at sa kanan naman ng pool ang cottage namin. Pinasara kasi ni dad ang pool na ito para saamin lang. Well, normal lang naman iyon. Ang part kasi na ito ay para sa mga VIP, the cottage and this pool.

"Sige! Limang libo, kay kuya Rum." Confident na sagot ko.

"Eh? Bakit di nalang si Rage?" Magaling naman si Rage lumangoy pero si kuya Rum kasi talaga ang swimmer sa kanilang tatlo. Alam ko dahil sabay-sabay kaming lumaki. Kahit gusto ko si Rage, pera ang pinag-uusapan dito kaya labas muna ang feelings.

"Woooh!! Rage galingan mo! Talunin natin si, Ris! Kay kuya Rum siya pumusta! Hati tayo sa 5k!" Sigaw pa ni Avi na napatayo na para mag-cheer.

Kailangan pa bang isigaw? Masama na naman ang tingin saakin ni Rage. Bwisit 'to. Kanina pa masama ang tingin saakin. Matalo ka sana.

"On your marks!" Sigaw ni kuya Rocco na may dala pang pito. Cinareer ah. "Get set!"

Pumito na siya. Nakita ko naman sila dad, tito Rustom at tito Troy na kanya-kanya na rin ng cheer. Mukhang nagpustahan rin dahil may hawak silang mga pera. Tig-bente. Mga milyonaryong kuripot.

He's Not Mine To Keep [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon