Chapter 8

478 15 0
                                    

ANG IKAWALONG KABANATA:
Usap

Isang linggo na ang lumipas simula 'nung pagkahulog ni Elycha sa hagdan. And up until now, hindi pa rin kami nagkikibuan ni Rage kahit sa bahay nila. Ngayong week palang kasi ang uwi nila dad kaya hanggang ngayon ay doon pa rin kami umuuwi ni Avi.

At kung give up na ba ako kay Rage? Of course not. No tears means no giving up, yet. Lalo pa sa sinabi ni kuya Rum saakin bago siya sumunod kila tito Rustom abroad.

(FLASHBACK)

"Sinabi nang bawas-bawasan mo ang kakabusangot diyan eh." Nilingon ko si kuya Rum na nakiupo sa tabi ko. Nasa duyan ako dito sa harap ng pool nila nang tumabi siya saakin.

"I heard what happened sa school niyo kanina." Gusto kong umirap. Hindi pa ba sila tapos sa kakahusga sa'kin? May dadagdag pa?

"Tinulak mo raw 'yung pinsan mo?" Sinundan niya iyon ng tawa na ikinainis ko. Tatayo na sana ako nang hilain niya ako.

"Huwag ka ngang maasar diyan. Huwag kang mag-alala hindi kita sesermonan." Napilitan nalang akong umupo ulit ng maayos.

"Tinawagan ko si tito Augustus kanina para matanong kung anong nangyari. Tinawagan ko rin si Elijah kanina. Kaya alam ko na lahat ng nangyari." Hinawakan niya ako sa baba at tinagilid ng konti para makita nang malapitan ang pisngi ko. "Patingin nga ng pisngi ng pinakamasungit naming prinsesa."

Tinabig ko ang kamay niya. "Ano ba, kuya! Hindi 'yan masakit! Hindi naman talaga ako nasaktan eh!"

"Weh?" Saka naman niya hinila ang braso ko. Napa-ngiwi ako nang kaunti. 'Yun iyong tumama sa railings. "Hindi pala masakit, ah. Gusto mo paluin ko rin ang likod mo bago ka umamin?"

"Tsk! Oo na!" Hindi ko masyadong ininda ang mga tama ko dahil mas masakit pa ang dinulot ng mga salita nila saakin. Walang panama ang sampal ni tita Amy sa katotohanang sumampal saakin na hindi dahil kadugo mo, hindi ka nila sasaktan. Mas masakit pa sa tulak ni Lara ang mga panghuhusgang binigay ng mga tao saakin.

Napabuntong hininga si kuya. "Paris, you should know that everything has its own limits. Hindi pwedeng panghabang buhay na tatanggapin mo nalang ang mga paratang ng mga tao sayo."

"I don't want to defend myself to people who are unreasonable and unfair. They don't deserve truth. Isipin na nila ang gusto nilang isipin. Wala na akong pakialam. I wasn't born to please them." I said with a tone of finality. Walang makakapagpabago sa paniniwala ko.

Truth is only for those who are genuinely seeking for it.

Napabuntong hininga nalang si kuya Rum sa sinabi ko. "Hayaan na nga. Alam ko rin naman kasing hindi kita matitibag. Your walls are too high and mighty." Bigla siyang napangisi. "Isang tao lang naman ang alam kong may kayang tumibag sa mga 'yan, eh." Awtomatiko nanaman akong napa-irap. Here we go again.

"Don't worry. Hindi ka naman talaga hinusgahan ni Russel that time eh. He was just very desperate to know the truth. Kung ano ba talaga ang nangyari. I am very sure na hindi siya naniniwala na tinulak mo nga si Elycha. Sabay-sabay tayong lumaki. We know each other's 'can and can't'."

"Palagi akong hinuhusgahan ni Rage tungkol sa mga lalaki ko raw." I said as a matter of fact.

"Ah, that," napangiti siya. "Ibang usapan naman kasi 'yun." Napakunot noo ako na ikinatawa siya.

"Pero gusto mong makarinig ng isang bagay na paniguradong makakapagpabago sa buhay mo?" Nakangising saad niya.

"Kung kalokohan lang rin naman 'yan, huwag mo nang sabihin. I've had a very long tiring day, huwag mo nang mas dagdagan pa."

He's Not Mine To Keep [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon