Chapter 16

609 20 0
                                        

ANG IKALABING-ANIM NA KABANATA:
Numb

"Russel," I finally greeted back.

Sawakas, nagawa ko na siyang tawagin sa pangalang noon pa na gusto ng mga taong itawag ko sakanya. Oh wait, my kulang pa pala.

"Excuse us, kuya." Nadagdagan ang panlalaki ng mata ng mga taong nakarinig sa sinabi ko. Si Avi, ate Persia, at lalo na siya.

Sarap niyang sampalin. Pero ayokong gumawa ng eksena ngayon. Lalo na sa harap ng mga magulang ko at ni Elycha.

"Paris," he said, still surprised with my sudden change of heart. I tried so hard to stop my damn emotions to show.

This isn't the right time to ruin the only thing left in me. Pride. So I have to act better.

Inirapan ko siya at nilagpasan. Ito nalang ang meron ako, kaya ito nalang muna ang gagamitin ko. Ni hindi ko na nga rin alam kung meron pa ba talaga ako 'nun. Or am I just being in denial?

Dire-diretso lang ako ng lakad nang maramdaman kong may sumusunod saakin. Judging by the desperate steps, I know it's Rage. Pero hindi pa ako handa na makausap siya nang kaming dalawa lang. Not now. I might break down again. Not in front of this man.

Dali-dali akong pumasok sa elevator. Mabilis kong pinindot ang basement, pero bago pa ito magsara, nakapasok na si Rage.

Damn. dalawa lang kami dito.

Nakagat ko ng mariin ang labi ko dahil sa umuusbong na kaba sa dibdib ko.

"Paris," medyo hinihingal niyang sabi. Hindi ako nagsalita at pinilit kong hindi siya pansinin.

Humakbang siya palapit saakin. Agad naman akong napaatras, kaya tumigil siya sa paghakbang palapit.

Pilit ko ring iniiwasan ang pagtingin sa mga mata niya na puno ng emosyon. Nakokonsensya ba siya sa ginawa niya? Or worst, pinagsisihan niya ba na nangyari 'yun? If it's the latter, then fuck him. Hindi ko binigay ang sarili ko sakanya para lang pagsisihan niya.

Patuloy parin niya akong tinitigan. "Stop staring." Hindi ko na mapigilang sitahin siya.

"I... I'm sorry." mababa ang boses na sambit niya.

Sorry? Sorry saan? Sorry dahil masyado na niya akong tinititigan? Sorry dahil sa nangyari sa'min? O sorry dahil iniwan niya ako ng basta lang? Aba, tanginang sorry 'yan. Sakanya nalang.

"Hindi ko sinasadyang iwan ka 'nun. Nataranta lang talaga ako nung nalaman kong naaksidente si Elycha. I know it was my fault."

If that was his thought that time, then still, malinaw na kahit ano pang mangyari, si Elycha at si Elycha parin ang pipiliin niya.

Shit, that thought hurts as fuck.

"Bakit? Paanong naging kasalanan mo?" Hindi ko mapigilang usisa.

"Nalaman ko na lasing siya noong naaksidente siya. Galing daw siya sa Druco's noon. Druco said she was there because her boyfriend broke up with her without giving her any reason. At malala pa raw," napalunok siya "Muntik na raw siyang mapagdiskitahan ng mga lalaki sa club no'n kung hindi lang siya tinulungan ni Druco."

Naramdaman kong kumirot ng bahagya ang puso ko sa nalaman ko tungkol kay Elycha. Parang nakonsensya rin ako. Noong panahong naaksidente si Elycha... magkasama kami ni Rage.

"It was obviously my fault. Kaya nanatili ako rito sa hospital simula noong... iniwan kita sa isla." agad kong iniwas muli ang tingin ko sa kanya.

"Please, talk. Say something. Or you can just curse me, slap me, anything. Just please, kausapin mo naman ako." Agad kong iniwas ang kamay ko nang akma niya itong hawakan. He's voice was almost begging but I can't be swayed that easy. Not this time.

He's Not Mine To Keep [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon