Chapter 1

833 19 0
                                    

ANG UNANG KABANATA:
His Girl


"Ang sama mo."

Hindi naman talaga ako mabait eh. May sinabi ba ako?

''Wala kang kwenta."

Ano ngayon? Ikaw ba meron kang kwenta? 'Di ba wala rin? Pinagsigawan ko ba?

''Wala kang hiya."

Tsk!

"Grabe, ang dami mo talagang bashers sa social media. Kung ako ikaw, magpapakabait na ako. Ilang taon nalang, ikaw na ang hahawak sa kumpanya niyo pero ang dami mo pa ring kaaway. Maybe it's time for you to make friends para maging madali nalang sayo na makahanap ng mga business partners pagdating ng panahon."

Tumango-tango ako. "Tama ka," I sipped on my juice. Proud na proud naman siya sa sinabi niya dahil sumang-ayon ako. "Pero ang problema, hindi ikaw ako." Pagpapatuloy ko na ikinalukot lang muli ng mukha niya.

She then threw a glare. "Ang sama talaga ng ugali mo."

Aminado po ako. Tss.

"Kala mo naman ang bait-bait mo. Mas malala ka pa nga sa akin minsan. Sinasabi pa ng iba na ikaw ang kabaliktaran ko. Hindi nila alam na ikaw ang perfect definition ng phrase na 'nasa loob ang kulo', kaya huwag kang magmalinis diyan." Ngumisi lang ang loka-loka.

Oo, masama ang ugali ko. Hindi ko naman tinatanggi 'yon. Pero pinipilit ko naman makisama minsan. Sadyang sila lang talaga ang may ayaw sa'kin.

Maarte ako, oo. Hindi ko rin naman itatanggi 'yun. At hindi ko rin itatanggi na marami pang mas maarte at mas masama ang ugali kaysa sa'kin diyan sa tabi-tabi. Kaya pasalamat nalang sila na ako ang nakabanggaan nila kaysa sa mga mas worse pa saakin.

Oh 'di ba, parang utang na loob pa nila na ako ang nakakaaway nila?

Saka lumalayo rin naman talaga ako sa gulo. Gulo lang talaga ang lumalapit sa'kin.

"Paris!"

Gaya nalang nito.

"Malandi ka talaga! Wala ka talagang kasing kati! Pati boyfriend ko, pinatos mo!"

Napairap ako. Kasalanan ko bang malandi talaga ang boyfriend ng babaeng 'to? Pasalamat pa nga siya at tinulungan ko siyang malaman kung deserving ba talaga 'yung boyfriend niya o hindi.

And FYI, wala pa akong inaagawan ng boyfriend. Dahil ang mga boyfriend naman talaga nila ang siyang lumalapit saakin.

Para mas lalong mang-inis, "Alin ba sa kanila ang tinutukoy mo?"

"Aah! Ang landi mo!"

Hayun, sinabunutan nanaman ako. Dahil nga sanay na ako sa ganito, siyempre di ako nagpatalo. Pinatid ko siya habang nagsasabunutan kami. Bumagsak siya kaya nasama ako. Nakadagan ako sakanya ngayon. Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na ang landi-landi ko raw, kesyo ang ganda-ganda ko naman daw pero bakit kailangan kong mang-agaw.

"Walang hiya ka! Walang hiya!" Sigaw niya ng paulit-ulit at panay ang tili.

Fuck! Nakalmot niya ako! "No one dares to scratch my skin, you, bitch!" Sinampal ko siya ng pagkalakas-lakas. Napasigaw naman siya sa sakit. Hinila niya ulit ang buhok ko.

Argh! Diniin ko ang mga kuko ko sa braso niyang nakahawak sa buhok ko ngayon at sinampal siya ulit.

Sumosobra na 'to ah!

Naririnig ko na rin ang pustahan ng mga taong nakapaligid saamin.

Damn, wala manlang gustong umawat saamin. Pero hindi na rin naman talaga ako magpapaawat. Lalo pa't nakalmot na ako ng bruha na 'to.

He's Not Mine To Keep [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon