Chapter 11

492 17 0
                                    

ANG IKALABING-ISANG KABANATA:
Whats and Whys

It's already Friday at bukas na ang birthday ko.

Bukas na ang birthday ko pero hindi ko parin nakaka-usap ng matino si Rage tungkol sa nangyari noong gabing iyon.

(FLASHBACK)

Third Person's Point of View

Pagkatapos halikan ni Rage si Paris at sinabi ang mga bagay na iyon, bigla nalang siyang umalis sa Druco's.

Umalis din sila Paris agad pagkatapos ayusin ni Rocco ang mga dapat ayusin at dumeretso na sila sa mansyon ng mga Escareal, umaasang naroon si Rage.

Nakita nila ang kotse ni Rage sa garahe na lihim na ipinagpasalamat ni Paris. Akala nito hindi siya uuwi ngayon. Nalasahan rin kasi niya ang alak noong hinalikan siya nito. Lasing ito at natatakot siya na baka magdrive ito papunta sa kung saan.

Mabilis na pumasok si Rocco sa loob. He's angry and he can't control his anger anymore. May girlfriend si Rage pero hinalikan niya parin si Paris. That's a very big issue if gets leaked to the media.

"What the fuck?!" Rage shouted at his brother when he suddenly entered the kitchen and slammed the wine he's drinking on the wall.

Pumasok sila Avi at Paris sa kusina. Naabutan nila si Rocco na mahigpit na nakahawak sa kwelyo ni Rage at nagkalat ang mga bubog sa gilid at kaunting alak.

"What the fuck did you just do?!" Sigaw ni Rocco sa kapatid. Agad siyang inawat ng dalawang bagong pasok.

"Kuya, stop it! Let go!" Sigaw ni Paris habang pinipilit na tanggalin ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kwelyo ng kapatid. Inilayo naman ni Avi si Rocco mula kay Rage.

"Alam mong may girlfriend kang tao. Pero hinalikan mo parin si Paris. You should've said no. Pero hindi mo ginawa!" Rocco shouted at his younger brother.

"Kung hindi ko gagawin iyon, iba ang gagawa!" Rage couldn't help but to raise his voice too. Hindi lang ang kuya nito ang sinasakop na ng frustrasyon dahil maging siya ay halos mabaliw na sakakaisip kung bakit hinayaan niya ang sariling gawin iyon.

"At ano naman sayo ngayon?!" Natahimik si Rage sa sinabi ng kuya niya.

Why does it actually matter to him anyway?

"Damn!" Napasabunot nalang si Rage sa ulo nito na parang hindi na rin alam ang dapat pang isagot.

"Maybe we should just let them talk privately, Rocco. It's their issue--" Avi was cut by Rocco's angry voice.

"Fuck! Hindi lang nila issue 'to! Buong pamilya namin ang madadamay sa issue na 'to! At madadamay pati ang pamilya ni Paris nang dahil sa gagong 'to! Gagawa ka na nga ng kalokohan, idadamay mo pa si Paris! Pwede naman kasing umayaw ka nalang, 'di ba?! Wala akong paki kung manghalik ka ng kung sino, pero pucha naman! Sikat na pamilya rin ang shinota mo at malalagay ka sa kahihiyan nito!"

He wasn't angry because he was just plain mad. He was angry because he cares. Rocco knows it will affect his brother's reputation. He's a playboy, yes, and he doesn't have much of a very nice reputation to protect but his little brother does. His little brother is highly respected by many that even influencial elders praise him. He doesn't want it to be ruined. Not on his watch.

"Calm the fuck down!" Sigaw na ni Avi na halatang naiinis na rin sa nangyayari.

"Let them talk. Hayaan mong pag-usapan nila ito. Walang maitutulong iyang galit mo." Hindi nagsalita si Rocco pero matalas pa rin ang tingin kay Rage. Alam niya na may punto ang sinasabi ni Avi. Pero hindi kasi siya makapaniwala na nagawa iyon ng kapatid niya.

He's Not Mine To Keep [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon