Chapter 3

563 15 0
                                    

ANG IKATLONG KABANATA:
Spoiled


"Magandang umaga, ma'am Paris." Bati saakin ng isang maid dito sa mansyon ng mga Escareal.

Hindi ko siya pinansin at dumeretso lang sa labas. Hinihintay na ako ni Rage. Sinabi ko kasi kay Avi na sumabay na siya kay kuya Rocco at pinasabi kay Rage na hintayin niya ako saglit. Syempre sinadya kong magpa-iwan para makasabay ko ng solo si Rage papuntang school.

"Dalian mo, male-late ako nang dahil sayo eh." Asar na bungad niya saakin.

"Sorry, Pres." Pang-aasar ko sakanya lalo.

Sinamaan niya lang ako ng tingin. Pinagbuksan niya ako ng pinto na siyang palihim kong ikinangiti. Kahit asar na asar na saakin 'yan, natural na sakanya ang mga ganitong bagay. Gaya nalang 'pag mag-uulam kami ng kahit na anong klase ng fish, kahit lagi siyang naaasar sa'kin, pinaghihimay niya pa rin ako kasi nga, hindi ako marunong. Madalas kasi may natitira pang tinik 'pag ako lang ang naghihimay para sa sarili ko.

"Shut it, Gleam Paris." Sinara na niya ang pinto saka naglakad papuntang driver's seat.

"How are you with Elycha Cruz?" Tanong ko habang nagmamaneho siya.

"Fine." Maikling sagot nito.

"Are you happy with her?"

"Yes." Deretsong nanaman niyang sagot. Ouch, ah. 'Di ba pwedeng pag-isipan muna kahit saglit?

"Well, is she happy with you?"

"What's with those questions?" Nagsisimula nanaman siyang mairita.

"Nothing, I'm just curious" ...if I still have a chance to take you away from her.

"We're both happy. Contented?"

'No. I will never be.'

Hindi ko nalang siya sinagot. Nang makarating kami sa school, nakita ko agad ang mga babaeng pasimpleng naghihintay sakanya. Mukhang mga kasali sa Fans Club niya at yung iba, mga tagahanga lang talaga ni Rage. Nakita ko kasi si Lara kasama ang mga alipores niya. Presidente siya ng Fans Club kuno ni Rage.

Lumabas na si Rage nang maitigil niya na ang kotse. Agad namang naglabasan ng mga camera ang mga babaeng naghihintay sakanya. Hindi lang talaga nila pwedeng dumugin si Rage dahil ayaw niya 'nun. Saka naman niya ako pinagbuksan. Kita ko ang pagtataka sa mukha ng mga babaeng naghintay sakanya, kung sino iyong taong pinagbuksan niya ng pinto.

Let's make some issues, Paris. I smirked on that thought. Palabas na ako ng kotse nang may sumigaw.

"Babe!" It's the famous Elycha Cruz again. Napairap ako. Scene stealer!

Lumabas na ako saka naman sinara ni Rage ang pinto ng sasakyan. Sinalubong niya si Elycha ng yakap.

"And how's my baby doing?" Saka nito ginulo ng bahagya ang buhok ni Elycha. Tss, naglandian pa sa harap ko.

Umeksena kaya ako? Why the heck not?

Buti nalang naka-heels ako ngayon. Aarte akong natapilok habang palapit sa kanila.

"Babe alam mo ba, may--"

"Aaaah!" Ako yan. Ang sabi ko aarte lang! Ba't ako tuluyang natapilok?!

"Are you fine?" Nag-aalala akong nilapitan ni Rage.

Mukha ba akong okay?! Kung sana kaartehan ko lang talaga 'to ngingisihan ko si Elycha at ipamukha sakanya na ako pa rin ang ipa-prioritize ni Rage at hindi siya. Pero putek! Ang sakit talaga!

"Ah! Gago ka ba?! Huwag mong igalaw!" Masakit na nga gagalawin pa!

"You sprained your ankle."

"Gago, obvious ba?!" Sinamaan niya ako ng tingin. Siya pa ang may ganang samaan ako ng tingin?!

He's Not Mine To Keep [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon