Chapter 4

534 20 0
                                    

ANG IKAAPAT NA KABANATA:

Masamang Ugali

Nasa school na kami ngayon. Gaya kahapon, nagkasabay kami ni Rage na pumasok sa school. Hindi na rin naman masakit ang paa ko pero hindi parin ako pwedeng mag-heels ngayon. And I can say, ginagawa ni Rage ang lahat para makabawi saakin. He took care of me that night. Hindi siya umalis sa kwarto hanggang sa makatulog ako. Si Avi naman, hindi na nakabalik dahil pinagbawalan na ni Dad. Masyado na kasing gabi noon kaya doon na siya natulog.

"Morning, Ris." Bati saakin ni Avi. Usapan kasi namin magkita kami sa cafeteria pagkatapos ng klase.

"Balita ko, ayos na kayo ni Rage." Umupo na siya saka kumuha ng fries ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Kumuha ka nga ng sayo."

"Hindi na. Aalis din ako agad. Maghahanda na kami para sa report."

"So ba't andito ka pa?"

"Wala lang. Gusto ko lang malaman kung totoo yung narinig ko. So totoo?"

"Oo," sagot ko. Sakto namang nakita kong sabay na pumasok si Rage at Elycha sa pinto. Awtomatiko akong napairap.

"Oh, akala ko ba aalis ka agad? Umalis ka na." Pagtataboy ko na sa kanya.

"Grabe naman 'to." Kumuha ulit siya sa fries ko saka tumayo na rin. "Aalis na ako. Mukhang may balak ka nanaman kasi. Good luck nalang, sis. Kita kits mamaya." Paalam niya at umalis na.

Total, lunch naman na, tumayo ako para kumuha ng kanin at prinitong isda. Ayoko sana nito pero kailangan. Para sa gagawin ko. I smirked. Time for acting again, Paris. Naglakad na ako patungo sa table nina Rage dala ang pagkain ko.

"Hi, Rage. Pwede ba akong makiupo?" Nakangiting tanong ko.

"Sure! Upo ka na dito dali!" Muntik na akong mapairap. Hindi naman siya ang kinakausap ko pero siya ang sumagot. Gusto ni Elycha na umupo ako sa tabi niya. Nginitian ko lang siya. Mas okay sana kung sa tabi ni Rage pero mas maganda nga naman kung sa tabi ni Elycha nalang. Magkatapat sila ni Rage.

"Elycha, I'm sorry sa inasal ko kahapon. Hindi dapat kita sinigawan." Umakto akong sincere ako sa sinabi ko.

Psh! Dapat lang kaya 'yun sakanya. Kita niyang nasasaktan ako, tatanungin kung okay lang ako? Gaguhan lang?

"Ayos lang. Naiintindihan ko naman. Hindi ko dapat tinanong kung okay ka lang kahit kita ko naman kasi na nasasaktan ka." Wika niya saka sinundan ng tawa. Masaya ba siya na natapilok ako? Pilit ko nalang siyang nginitian.

Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa paghihimay ng isda. Grabeng effort itong ginagawa kong paghimay ah. Hindi nga kasi ako marunong.

"Bakit ba naman kasi isda ang kinuha mong ulam?" Asar na tanong ni Rage. Siya na ang naghimay para saakin.

Pasimple kong tinignan si Elycha. Kita ko ang simpleng selos sa mga mata niya. Iniwas nalamang nito ang tingin na palihim kong ikinangisi.

Take that! Ano, tatawa ka pa?

"Ah, Rage. Pwedeng painom ng tubig mo? Nakalimutan ko kasing kumuha." Medyo nahihiyang sabi ko. Lumingon silang pareho sa tubig ni Rage. Nainuman na kasi niya iyon. Mukhang ayaw niya. Ayaw nila pareho. Psh! Gano'n ah.

Umakto akong umubo na parang nabulunan nang sumubo ako ng pagkain. Nataranta naman sila pareho. Kinuha ni Elycha ang tubig niya para siguro ibigay saakin pero naunahan na siya ni Rage na iniabot na saakin ang bottled water niya. Mabilis ko iyong ininuman. Indirect kiss ang peg.

Dali-dali siyang lumapit saakin. "Paris, I've always told you to slow down in eating. Walang aagaw sa pagkain mo." Saad niya habang hinagod ang likod ko. Hindi naman ako mabilis kumain. Nag-iinarte lang ako.

He's Not Mine To Keep [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon