Chapter 12

474 17 0
                                    

ANG IKALABING-DALAWANG KABANATA:
Birthday

Araw ngayon ng sabado. Ano na nga palang meron ngayon?

Ah, birthday ko pala. Psh.

"Ano ka ba, Ris! Ako na nga ang nakaalala ng birthday mo sa ating dalawa, ako na rin ang nagplano ng birthday celebration mo, ako na rin ang nag-imbita ng bisita mo, tapos ikaw, parang wala kang pakealam kung birthday mo! Ako nalang rin kaya talaga ang mag-birthday, ano?!" Nagtalukbong nalang ako para ipakitang wala akong paki sa sinasabi niya.

"Aargh! Paris! Bumangon kaaa!" Sapilitan niya akong hinila paalis ng kama ko at dinala sa bathroom. Damn!

"AVIONA!!"

"Ayan, nagising at nahimasmasan ka na rin. Maligo ka na! Hindi pwedeng mauna pa sayong makarating ang mga bisita mo sa isla!" Natigilan ako. Isla?

"Anong isla?"

"Doon ka magce-celebrate ng birthday mo, tanga."

"Saang isla?"

"Sa bermuda triangle." I glared at her.

"Tsk! Sa Gleam Island. Bilisan mo na." Gleam Island? Bakit kasi kailangan doon pa? Isla iyon ng mga Hernandez. Ipinangalan nila dad saamin ni ate Persia ang islang iyon.

"Bakit kailangan na doon? Pwede namang sa bar nalang 'di ba? Pa-isla-isla ka pa."  Bubungangaan nanaman sana niya ako nang sinara ko na ang pinto ng banyo pagkatapos ko siyang itulak palabas.

Nakaligo na ako at naayos ko na rin ang mga dadalhin ko. Naka-spaghetti strap sando lang ako at short shorts inayos ko ang buhok ko in a messy bun saka ko sinuot ang sunglass ko at bumaba na. Baka mapagalitan nanaman ako ng bruha kong pinsan.

"Woah!" Kuya Rocco exclaimed.

Inirapan ko lang siya at nilagay sa likod ng van ang dala kong maliit na maleta.

"Good morning, birthday Princess." It's kuya Rum. Kararating lang raw niya kahapon dito sa Pinas para makasama sa birthday ko. Nakatulog raw kasi siya ng matagal sa hotel na pinagcheck-inan niya kahapon kaya hindi siya agad nakauwi dito.

Nilingon ko si Rage na tahimik lang sa isang tabi. Agad siyang umiwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin. Napabuntong hininga ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kumag na 'to. Ano pa bang kailangan niya siguraduhin? Hindi ko siya maintindihan. Ang hirap niyang ispelingin!

"Oh ano pa bang hinihintay natin? Tara!" Aya ni kuya Rocco. Pumasok nalang kami sa van.

Tatlong oras na ang lumipas at nakarating na rin kami sa Isla Sinag. Isla Sinag ang tawag ng mga taong nakatira sa Isla, actually. Gleam Island kasi ay parang formal term iyon ng isla. Marami rin namang turista ang nagdaragsaan doon. Pero ang  pinuntahan kasi namin na una ay dito sa main villa ng mga Hernandez dito sa Isla. Sa mansyon ng lola kong masungit.

"Hello po, lola! Na-miss ko po kayo!" Sasalubungin sana ni Avi si lola Georgina ng yakap pero tinaasan siya ng kilay ng lola ko. Kita niyo na?

"Bakit ikaw ang unang yayakap sa'kin? Hindi naman kita apo?" Pinsan ko kasi si Avi sa side ni mommy.

"Tss. Sungit talaga ng lola mo. Dapat Georgina nalang din ang pangalan mo. Total sa kanya ka naman nagmana." Bulong ni Avi saakin.

"Escareals," nakataas kilay na nanaman na sabi ni lola habang nakatingin sa tatlong magkakapatid na lalaki na kasama namin ngayon.

"Good morning, Ma'am. We are the sons of Rustom Escareal. I'm Yuan Rum, the eldest." Pormal na bati ni kuya Rum at bahagyang yumuko.

Tumango si lola bilang sagot. "Who among you is the youngest son?" Tanong ni lola. Bahagya akong kinabahan. She knows I have feelings for the Escareal's youngest son.

He's Not Mine To Keep [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon