Chapter 17

641 28 3
                                    

ANG IKALABING-PITONG KABANATA:
My Everything

"Pero, anak..."

"Dad, totoo naman eh. She doesn't deserve it. Saka akin naman talaga 'yun di ba? Inagaw niya lang saakin."

Totoo ba 'tong naririnig ko?

"B-But..." My eyebrows knotted in mixed confusion and frustration.

"... I did it for you." Pabulong na usal ko. The pain was visible in my voice.

Alam kong mali na inagaw ko sakanya ang titulong iyon. Pero ginawa ko lang rin naman iyon para sakanya. And besides, hindi ko naman talaga iyon ginusto.

"No. You did it for yourself. You... you actually wanted it. Nirarason mo lang ako."

"Paris? What's happening?" I heard Avi's voice, she just entered the room.

Hinawakan niya ang braso ko at tinignan ako sa mata na parang tinatanong kung anong nangyayari.

Iniwas ko ang tingin ko at mabilis na naglakad palabas ng bahay. Baka kapag nanatili pa ako doon, hindi ko na kakayanin ang mga susunod pa nilang sasabihin.

Masyado nang masakit.

"Paris! Come back here! Nag-uusap pa tayo!" Sigaw pa ni mommy pero hindi ako nagpa-awat.

Kailangan kong umalis dito. I badly wanna get out of this house. Hindi ko alam kung galit ako o ano. Hindi ko pa alam dahil mabagal pang pinoproseso ng utak ko ang nangyayari at ang mga sinabi nila.

Para akong sinaksak ng maraming beses pero bigla nalang akong walang maramdaman. Parang may masakit pero hindi ko alam kung saan. Damn, what the hell is happening to me? Nababaliw na ba talaga ako?

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan ko at agad kong binuhay ang makina. Bago ko pa mapaandar, nakapasok na si Avi.

"Where are you going?" She rigidly asked.

"B-Bar." Weirdly, that's the first thing that came in my mind.

I think it's the only way to at least forget this fucked up situation. I wanna get drunk.

I wanna get more wasted than I already am.

(Third Person's Point of View)

"Paris, please! Tama na 'yan!" Inagaw ni Avi mula kay Paris ang isang bote ng alak.

"Shut up!" Ngunit inagaw lang ulit ito ni Paris at muling ininom.

"Gosh! I need help!" Saad niya at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Avi rented a private room kaya silang  dalawa ang naroon. She didn't know hindi pala niya kakayaning kontrolin ang pinsan nang siya lang mag-isa.

Avi decided to contact Rum's cellphone number. Bago pa makapagsalita si Rum ay inunahan na niya ito sa pagsalita.

"I need help! Nandito kami ni Ris sa Druco's. Nagpapakalasing siya ngayon at hindi ko alam kung bakit! Hindi ko na siya maawat so I called you. And please, huwag mong sasabihin kay Rage." Mabilis na saad nito.

[We'll be there.] Nagulat siya sa boses na narinig. It wasn't Rum. It's Rage!Malalagit siya nito kay Paris.

Agad siyang napalingon sa direksyon ni Paris nang dumaing ito. Nahulog siya sa sofa at natumba ang mga bote na nasa center table.

Agad niya nalang pinatay ang tawag at dinaluhan ang pinsan.

"Ris, naman, mag-ingat ka naman kahit konti!"

"S-Sinong hinayupak ang tumalak sa'kin?! Magpakita ka!" Lumingon lingon pa ito sa paligid.

"Walang tumulak sayo, gaga! Natumba ka!"

He's Not Mine To Keep [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon