Chapter 30

661 17 1
                                    


*Chapter 30*

Agad kong pinunasan ang mga luha ko at tumalikod. Mabilis akong naglakad paalis.

Darn! Paano niya nalaman?! Si Rum ba? Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang gago na 'yon! I entered the faculty and started pacing back and forth.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Puno ng takot ang kalooban ko. Paano kung kukunin na niya saakin ang mga anak ko? H-hindi naman pwede iyon hindi ba? Kasi ako ang ina. Ako ang nagpalaki sa kanila. Hindi niya sila pwedeng kunin saakin! Oo, tama. Kalma lang, Paris. Pinilit kong hindi mapaluha. Walang mabigat na dahilan para hayaan kong umiyak ang sarili ko. Walang tuluyang makakapaglayo saamin ng mga anak ko. Wala!

But he's an Escareal. Nothing is impossible when it comes to an Escareal. Fuck! Stop making yourself worry too much!

"Paris," napatigil ako sa paglalakad. Nagsimula nanamang mamuo ang sari-saring emosyon sa loob ko. Sinundan pala niya ako. Kaagad na kumunot ang noo niya nang humarap ako sakanya.

"Are you fine?" Mariin niya akong tinitigan na parang sinusuri kung ayos lang ako.

I gritted my teeth. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas. Agad ko siyang sinampal.

Masyado na bang makapal ang mukha ko? Ako ang may atraso ngayon pero ako pa ang may lakas ng loob na manakit. Kung oo, tangina lang, wala na akong pakialam. Galit ako, pero hindi ko alam kung kanino ko ba dapat ibaling ang galit na 'to. Total ay siya naman ang dahilan nito, sa kanya ko nalang ibubunton ang galit na nararamdaman ko.

Kita ang gulat sa mga mata niya ngunit agad din na naglaho at nasundan ng isang buntong hininga.

"I'll take that as a no." Saad niya.

"What did I do this time?" He said in a very calm tone pero mahahalata ang boses ng pagkatalo.

"I hate you so much." Madiin na wika ko na puno ng halo-halong emosyon ngunit nangingibabaw parin ang hinanakit. He sighed again.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin?"

"Ang alin?" Tanong niya nang hindi tumitingin saakin.

Napalunok ako. "Ang tungkol kina Russia at France," agad namang nagtama ang mga mata namin.

"Wala akong alam," deretsong sagot niya na wala manlang bakas ng kahit na anong pagkagulat.

"Huwag mo na akong gawing tanga! Matagal mo na palang alam pero hindi mo sinabi sa'kin? So kaya ka pumunta dito para ano? Para maghiganti sa pagtatago ko sayo ng katotohanan?!"

"Hindi totoo 'yan," sagot niya.

"Aaargh! Kung gano'n anong dahilan mo para pumunta pa rito? Para ipamukha sa'kin na dapat akong makonsensya sa ginawa ko? Na dapat akong humingi ng tawad sayo?" Asar na tanong ko.

"Hindi rin 'yan totoo," wala paring reaksyon na saad niya.

"Then why?! Bakit wala akong narinig na kahit anong hinanakit mula sayo?! Bakit hindi ka manlang nagagalit sa'kin?! Stop making me feel so bad! Stop making me feel like this!"

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nagagalit ba ako dahil wala manlang akong narinig na kahit anong masasakit na salita sakanya? Nagagalit ba ako dahil hindi nangyari ang mga bagay na kinakatakutan ko? Damn, nakaka-tanga na!

"I already told you. I only came here for you. I'm here to win you back."

"Hah! Win me back? Bakit? Naging tayo ba? Ulol! Lokohin mo sarili mo!"

Humakbang siya palapit sa'kin pero umatras ako at dinuro siya.

"Huwag kang lalapit," I warned him pero hindi siya nagpatinag.

He's Not Mine To Keep [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon