01

21 1 0
                                    

Chapter 1: CLUELESS


“Mabuti naman at naisipan mo akong kausapin,” iritado kong sambit kay Jared.

Tumabi siya sa akin ngunit nag-iwan pa rin ng espasyo sa aming dalawa. Nakasalubong din ang kanyang mga kilay dahil sa iritasyon mula sa aking pagbati.

Jared and I had a mutual understanding. We both liked each other but we’re not yet ready for commitment. So, we settled having a no label relationship.

“Busy nga ako,” pagdadahilan niya.

Agad naman akong umirap sa sinabi niya. Ngayon lang ako nainis nang ganito dahil sa kanya. Wala pa kaming tatlong buwan ay ganito na agad siya.

Inayos niya lang ang kanyang uniporme at saka binuksan ang dalawang butones nito. Nasa labas kami ng aking silid-aralan. Kanina ko pa siya hinihintay dahil ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam sa akin.

Malapit na kaming magtapos sa ika-labindalawang baitang kaya pakiramdam ko'y nagkamali akong pumasok sa magulong usapan na ito. Kilala si Jared sa pagiging malapit sa babae ngunit hinayaan ko pa rin ang sarili kong mahulog sa kanya.

Nagbaka sakali akong magbabago siya dahil sa akin. Nagbaka sakali akong titino siya simula nang makilala ako. Hindi pa rin pala.

“Nakita ka raw ni Allison. Kausap mo raw si Jessica,” pang-aakusa ko.

Jessica is one of the gorgeous student in our batch. I’m not insecure, I know in myself that I’m beautiful in my own way. I just want to be sure that he’s not cheating on me.

Cheating is a deadly crime with no proper punishment. Breaking someone's heart is the worst thing that you can do. We only had one heart but they choose to break yours. How selfish, right?

“At naniwala ka naman? At talagang kay Allison pa? Naniniwala ka sa ex ko?” Ngayon ay iritado na rin siyang humarap sa akin.

Gustuhin ko man na paniwalaan siya ngunit mas naniniwala ako kay Allison. She’s Jared's first girlfriend. And it’s funny how she became my friend even though I’m dating her ex-boyfriend.

She doesn’t care. She moved on from her past. Instead, she supported me by giving advices when I needed.

“Pero bakit hindi ka nagpaparamdam sa akin? Bakit ka naging cold?” Kahit naiinis ako ay kalmado pa rin ako. Hindi halatang nagagalit ako ngayon.

I have a soft heart and kind attitude. I don’t get mad easily because I want to understand every side of the story. But even if I get mad, people won’t believe me. I’m too soft-spoken even on expressing my wrath.

“Lowbat ako, okay?”

“Apat na araw kang lowbat?” paghahamon ko.

Please, don’t lie to me!

“Alam mo? Napakalabo mo. Pare-parehas kayo! Mga tamang hinala,” inis niyang sinabi at saka tumalikod sa akin.

Mas lalong kumulo ang dugo ko dahil sa kanya. Ayoko na, tapos na ako magtimpi sa kanya.

How can someone make you feel undeserving of love when in the first place, they begged for it?

How can someone be so sure with you before and now neglecting everything you had with them?

How can someone make you feel so special and then the next day, they will break your heart?

“Ikaw ang malabo sa ating dalawa,” sambit ko. Medyo napalakas kaya napatingin ang ibang naglalakad sa hallway pero wala akong pakialam.

Love in the Cold Wind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon