Chapter 24: FAKE
Kinaumagahan ay pinuntahan agad ako ni Letisha at Allison. Nakasuot pa nga ng uniporme si Letisha dahil nag-overtime siya. Board passer siya kaya isa na siyang ganap na CPA. Nakakalungkot nga na hindi niya naituloy ang celebration dahil nahihirapan siyang magpakasaya dahil nasa ganito akong sitwasyon.
Si Allison naman ay nakangiti pa rin sa akin kahit halatang pagod na rin siya sa trabaho. Hindi ganon kadali ang ginagawa niya para sa kanyang cosmetic line na ALICE.
"Lauren, you're so thin now," madramang sinabi ni Letisha. Sinukat niya ang aking braso at kinumpara kay Allison.
Hindi ko naman napansing pumayat ako ngunit marami naman talagang nagsasabi. Epekto rin siguro ito ng sakit ko. Humina ako kumain at laging walang gana.
"We heard about your panic attacked last night. Bakit hindi mo kami tinawagan? Nalaman pa namin kay Kuya Liam," nagtatampong sinabi ni Allison.
Nginitian ko silang dalawa. "Alam ko namang busy kayo e. At saka okay lang naman ako," sabi ko sa kanila. But both of them didn't seemed to buy that.
Nagluto ng umagahan si Mama kaya rito na sila kumain. Nilabas pa ni Mama ang favorite cake ni Allison. Hinayaan naman kami ni Mama na kumain habang siya'y naghahanda na dahil bubuksan na niya ang kanyang pastry shop.
"May lakad ka ba ngayon?" tanong ni Letisha at saka uminom ng orange juice.
"Magrereview kami ni Jackson," sagot ko sa kanya.
She nodded and ate her sliced cake. "Kailan ba yung board exam niyo?" tanong niya ulit.
"Next month," tipid kong sagot.
Napatingin kami kay Allison na nakatulog sa aming lamesa bago pa makain ang cake niya. Parehas kaming ngumisi si Letisha at saka pinagtulungang isakay sa kotse.
"Call me when you need me, Lauren. Please, I'm begging you," Letisha told me.
I understand her side. She knows it in herself that I'm not really fine. If only she can take me with her, she would. Gusto niyang tawagan ko siya palagi para hindi na siya mag-alala.
"Please don't invalidate our presences. We're always here, understand?"
Tumango ako sa kanya bago niya ako yakapin. Umalis na silang dalawa at naiwan naman ako sa bahay kasama si Leo. He's studying a lot of books because he wants to be a surgeon. Bihira ko na lamang siya makita rito sa bahay dahil busy siya sa med school.
Umupo ako sa tabi niya para makibasa sa kanyang libro. Leo didn't like to study before. He hated being compared to me before. And now, he's doing what he desires. I'm so proud of him.
"Ate... what's wrong?" Binaba niya ang kanyang libro at hinarap ako. Naluluha na pala ako habang nakatitig sa kanya.
Umiling ako at ngumiti sa kanya. "I'm proud of you," I told him.
Naguguluhan siya sa sinabi ko kaya natawa ako bahagya. "You're doing what you want, Leo. I couldn't be more proud of you," I sounded a bit sad. I don't know why.
Ngumisi siya at saka inalis ang kanyang salamin. Niyakap niya ako at pinakalma. "I'm envious of you. Nahanap mo kung saan ka magaling. You're better compared to me," I told him.
BINABASA MO ANG
Love in the Cold Wind
RomanceLauren Grey Tailor When everything seems so dark, will you be my light?