Chapter 28: RESTART
"I love you, Lauren."
Paulit-ulit na tumatakbo ito sa aking utak. Hindi ko maproseso ang sinabi niya. Masyado akong nawala sa mga titig niya at nagwala sa kanyang sinabi.
Why are you doing this to me, Caleb?
He bit his lower lip and remove his eyeglasses. Everything is in slow motion. I'm just observing him and the way he moves. But why does my system panicked?
"Wait for me. I'll come to you." He said and ended our call.
Matagal muna akong nakatitig lang sa aking cellphone at kusa na nga itong namatay. Tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin. Bakit ako namumula? Nagkaroon ng kulay ang aking maputlang kutis.
Ilang sandali'y nakatanggap ako ng mensahe mula kay Caleb.
From: Caleb
See you outside of your house later.
Napahigpit ang hawak ko sa aking cellphone. Sobrang bilis nang tibok ng aking puso at pakiramdam ko'y naririnig na rin ito ng ibang tao. Tumayo ako para dumiretso sa banyo at maghilamos. Kailangan kong magising!
Get back to your senses, Lauren. It's not like it's your first time to receive a confession!
Sinubukan kong abalahin ang sarili ko sa pamamagitan nang pagbabasa ng libro at pag-aayos ng damit. Ngunit, hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Caleb.
Mahal niya ako? Talaga? Kailan pa? At paano? Mahal niya agad ako?
Sa sobrang tensyonado ko'y minu-minuto akong tumitingin sa orasan. Alas diyes na at may kalayuan ang kompanya niya rito. Panigurado'y matatagalan siya.
Hindi ko naiwasang mag-abang sa aking bintana. Ilang ulit akong sumusulyap doon kung nakarating na ba rito si Caleb. Hindi ako mapalagay. Nakapagpalit pa nga ako ng damit dahil nakapantulog na ako kanina.
Bumaba ako sa sala para roon mag-abang. Tamang-tama'y naroon si Leo at nanonood ng isang medical drama. Kaharap niya rin ang maraming makakapal na libro. Hindi niya napansin ang presensya ko dahil focus na focus siya sa pinapanood.
Ilang ulit ko namang sinusulyapan ang cellphone ko kung may text ba si Caleb. Alam ko naman na matatagalan siya pero bakit ako excited? Bakit ganito? Anong nangyayari sa akin?
"Ayos ka lang?" tanong ni Leo sa akin nang mapansing pinupukpok ko sa aking ulo ang isa niyang libro.
Mapupungay ang kanyang mga mata at halatang pagod na rin. Nakahinto na ang kanyang pinapanood at sa akin na nakatingin.
"A-ahh oo. Sige, nood ka na. H'wag mo akong intindihin," sabi ko sa kanya.
He nodded and continued watching until it's already 12 midnight. Humihikab na ang kapatid ko saka tinanggal ang suot na salamin. Pinatay niya na rin ang aming tv.
"Tapos ka na?" tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi namalayan ang oras.
"Yeah, gigising ako mamayang alas tres. Magre-review ako," sagot niya at saka sinalansan nang maayos ang kanyang mga libro. Tumulong naman ako sa kanya lalo na sa paglinis ng mga nakakalat na papel sa lamesa.
"Ikaw? Hindi ka makatulog?" Now, he stopped and looked at me, concerned.
Umiling ako at ngumiti. Panigurado'y nag-aalala siya na hindi na naman ako makatulog nang maayos dahil sa nangyari sa akin. But luckily, these past few weeks, I felt light. As if there was no burden that destroyed me. I sleep well without another episode of sleep paralysis.
BINABASA MO ANG
Love in the Cold Wind
RomanceLauren Grey Tailor When everything seems so dark, will you be my light?