Chapter 13: BEST
“Oh, nakauwi ka na pala,” bungad sa akin ni Mama.
Siya ay nasa kanyang lamesa at may ginagawa sa laptop. Medyo magulo ang buhok ni mama at suot niya ang kanyang salamin. Si Leo naman ay wala rito sa sala. Siguro ay nasa kanyang kwarto at nag-aaral.
“Kamusta po?”
Hindi ko matignan si Mama pagkatapos malaman ang pagngangaliwa ni Papa. Alam kong alam ni Mama ang tungkol kay Papa. Siguro ay nagdesisyon silang maghiwalay noong umalis si Papa.
Kung nagdesisyon nga silang maghiwalay noon, bakit hindi nila kami sinabihan? Bakit pinaniniwala pa rin nila kami na isang araw magsasama-sama ulit kami? Kung hindi pa ako pumunta sa Singapore ay hindi ko pa malalaman na sira na pala ang pamilya namin noon pa.
“Puntahan mo ang Lola mo. Nasa ospital siya.”
“P-po? Bakit po?” Sobrang bilis nang tibok ng puso ko. Ito ang pinaka ayaw kong marinig na balita. My Lola is still healthy. She's not showing any weakness to us. She's maintaining her weight and balancing her diet. Kaya hindi ko alam kung bakit siya nasa ospital ngayon.
“She has a lung cancer, anak.”
Kung masakit ang nalaman ko sa Singapore ay may mas isasakit pa pala. Natatakot ako. Natatakot ako na kaunti na lang ang oras na kasama ko ang aking Lola. Hindi pa ako handa.
Pagkalapag ko ng aking gamit ay dumiretso na agad ako sa ospital kung saan nandoon si Lola. Mayroon siyang mga tauhan na nagbabantay sa labas ng kanyang kwarto. Nagulat din ako na may iilang media sa labas.
“Tita…” Lumingon sa akin si Tita Glai na ngayo'y mukhang pagod at walang tulog. Nginitian niya ako at saka sinalubong.
“Bakit nandito ka kaagad? Kakauwi mo lang ba?” Alam ni Tita Glai na umalis ako pero hindi ko sinabi na pinuntahan ko si Papa.
“Si Lola po?” Binalewala ko ang tanong niya sa akin dahil mas nag-aalala ako sa Lola ko.
Lumapit ako sa kama ni Lola. Halos madurog ang puso ko nang makitang malaki ang kanyang ipinayat at may mga tubo na nakakabit sa kanya. Hindi ako sanay na makita siyang mahina ngayon. Marami akong gustong ikwento sa kanya. Umalis lamang ako ng ilang araw ay nagkaganito na agad siya.
“Huwag kang mag-alala, lumalaban pa si Mama.”
Kahit na sinabi iyon ni Tita Glai ay hindi mapapanatag ang loob ko. Hangga't nasa ospital siya ay hindi ako magiging kalmado.
“Tita, anong stage na po ni Lola?”
“Stage 4. Matagal niya na pala itong tinatago sa atin,” naiiyak na sinabi ni Tita.
Muntik na akong matumba dahil sa narinig at buti na lamang ay nahawakan agad ako ni Tita. I can’t imagine my life without Lola. Paano na lang ako kapag nawala na siya? Siya lang ang umiintindi sa akin dito. Siya lang ang mas nakakakilala sa akin kung sino ba talaga ako. Kahit ang sarili ko'y nahihirapan na alamin kung sino ako, pero siya ang nagpaparamdam sa akin na suportado siya sa kahit anong gusto ko.
Nagpaalam sa akin si Tita na kakausapin niya muna ang doktor ni Lola kaya ako muna ang nagbantay sa kanya. Sobrang himbing ng tulog niya at kanina sabi ni Tita ay gising si Lola. Sana pala mas maaga ako dumating para maabutan siya.
Binuksan ko na ang aking cellphone. Ilang araw ko rin itong hindi binubuksan.
Pagkabukas ko nito ay bumungad agad sa akin ang mga text nila Mama. Nagsisisi tuloy ako na pinatay ito. Kung nabasa ko agad ito ay baka nakita na ako ni Lola ngayon.
BINABASA MO ANG
Love in the Cold Wind
RomanceLauren Grey Tailor When everything seems so dark, will you be my light?