10

4 0 0
                                    

Chapter 10: DESERVE



I woke up with a heavy feeling. The whole room is dark so I stood up and reached for the switch. In one snap, everything is bright again. How I wished that my life would also be bright again in just a snap.



Wala si Caleb sa loob ng kwarto at tingin ko'y umalis na siya kanina pa. Nakita ko naman ang aking maleta sa gilid ng pintuan kaya kinuha ko ito.



Hindi pa ako makakauwi agad dahil ang nabili kong plane ticket ay araw pa pagkatapos ng bukas ang balik sa Pinas. Gustuhin ko man na bumili na lang ng panibagong ticket at nanghinayang ako.



I will be a fourth year student in a few weeks. The tuition fee increased but my Lola paid it for me. Sa kanya rin nanggaling ang allowance ko papunta rito pero ang alam niya'y nasa Boracay ako.



I can't believe that I lied just to get here to witnessed how my father lied to us.



Narinig kong bumukas ang pintuan kaya lumabas ako ng kwarto. Caleb is wearing a gray sweater and a khaki shorts. He removed his white cap and went closer to me. I noticed that he bought foods.


"Are you alright?" he asked me.



I don't have an idea why he is so kind to me. He doesn't even know me. I'm just the daughter of their engineer. There's nothing special in me so I don't know why he is treating me kindly.



Nilagpasan niya ako at saka lumapit sa lamesa para ilapag yung mga pagkain. Sinundan ko naman siya ng tingin ngunit hindi pa rin umaalis sa pwesto ko.



Inalis niya sa paper bag ang maraming meal pack. Lahat ng iyon ay pagkaing Pinoy. Hindi ako makapaniwala na may nabibilhan siya dito ng lutong-pinoy.



Nakaramdam ako ng gutom dahil hapon na ako nang umalis sa Pilipinas at gabi na nang makarating sa Singapore. Tinignan ko ang aking relo para makita ang oras. It's 2 am in the morning.


"Lauren, lalamig yung pagkain," sabi niya.



Wala na akong nagawa kundi lumapit sa kanya. Umupo ako sa upuang kaharap niya at siya naman ang naglapit sa akin ng mga pagkain. Nakatingin lamang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon.



"Here, I bought these from Lucky Plaza," he said ignoring my stares at him.



Kinuha ko ang kutsara at saka sumubo ng kanin at adobo. Pagkatikim ko pa lamang nito ay agad kong naalala si Mama. Napakarami niyang binili para sa akin at lahat ng ito'y madalas na niluluto ni mama.



Nagbabadya na naman ang aking mga luha ngunit pinigilan ko ito. Tinikman ko rin ang ibang putahe.



"Slow down, Lauren," sabi niya nang mapansing tuloy-tuloy ang kain ko.



Napatingin ako sa kanya at hindi na napigilang umiyak. Nagsisisi ako na umiiyak ako sa taong hindi ko naman kilala. Inabutan niya ako ng tubig para malunok ko lahat ng aking kinain.



Pagkababa ko ng baso ay dumiretso agad ang aking kamay sa mukha ko. I'm covering my face full of tears. Hindi tumitigil ang pagbuhos ng luha ko lalo na ng maalala kung anong nakita ko kanina.



Inabutan niya ako ng itim na panyo at tinitigan ko muna iyon. Nang makita niyang hindi ko ito tinatanggap ay siya na mismo ang nagpunas ng luha ko gamit iyon.



I stopped moving when he did that but my tears continued to fell. I was stoned by his movement and my heart is beating abnormally.


He stopped wipping my tears and looked at me in the eye directly. His eyes are so beautiful but the way he looked at me, it was sad. Why is he sad?



Love in the Cold Wind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon