23

2 0 0
                                    

Chapter 23: WISH



Gaya ng plano namin ni Jackson, umuwi rin kami agad pagkatapos masilayan ang pag-angat ng araw. Buong byahe ay natutulog lang ako dahil naramdaman ko na ang pagod.




Magaalas diyes na nang makauwi ako sa bahay. Si Mama ay gumagawa ng cake sa kanyang kusina nang makarating ako.



"Oh andito ka na pala," sabi niya at saka lumapit sa akin. Pinunasan niya muna ang harinang nasa mga kamay niya.




Nginitian ko siya at saka niyakap. I missed my mom. Her sweet scent. I look like a child longing for her mom right now.



"Ma, I will get a treatment. I want to be okay again," sabi ko sa gitna ng aming yakap.





Alam kong gulat si Mama ngayon. Sinabi ko kasi sa kanya noon na ayaw kong magpagamot dahil ayos lang naman ako. Ayos na sa akin ang pag-inom ng maraming gamot. Ngunit sabi ng mga doktor ay magpatingin pa rin ako sa psychiatrist para sa special treatment.




"T-talaga?"




Tumango ako habang nakapikit. "I watched the sunrise earlier, Ma. It was so beautiful," kwento ko.




I remembered the sunrise earlier. And my photos that Jackson have taken. Because of that, I felt a little hope in myself. Maybe I just believed that my life is over on a sunset, not knowing that there will always be a sunrise. A new beginning.




"Baby steps, Ma. I will be okay someday," sambit ko.




Buong araw ay natulog ako dahil sa pagod. Nagising na lamang ako nang tumawag si Caleb sa akin. Gabi na pala at hindi ko man lang namalayan.




"Hi," I greeted him.



"Did I wake you up?" Halata siguro sa boses ko na bagong gising lang ako.




Sa totoo lang ay nakapikit pa rin ako at nakapatong lang sa aking tainga ang cellphone ko.




"No," I lied.




I heard him sighed. "Bakit ka napatawag?"




"Umhh...I'm going to Singapore later," he hesitate a bit.




There's a part of me that doesn't want him to go back in Singapore. When he saved me, I couldn't get him out of my mind. At sa tuwing naiisip ko siya, hindi ako mapakali.




"Well, good for you." Although not for me.



"Yeah." Parehas kaming natahimik at hindi alam ang sasabihin.



"But I'll be back soon," he added.




Napabangon ako bigla. "Talaga? Kailan?" I sounded very excited and I only realized it now. Sana ay hindi niya nahalata. Baka kung anong isipin niya.



He tried not to laugh with my reaction. "May tatapusin lang ako and I guess... I'll work here."



"Huh? Dito?" Nagtataka kong tanong.




I almost forgot that he is an heir of a big company based in Singapore. He is a very busy man in his young age. Hindi ko tuloy lubos maisip ang buhay niya na puro na lang trabaho.



"Bakit dito? Nakapunta ako ng Singapore at nakita kong maganda naman yung workplace mo," sabi ko.



He deeply sighed. "But you're not there," he simply said.




Love in the Cold Wind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon