17

4 0 0
                                    

Chapter 17: GRADUATION



Finally, I received a letter that I'm qualified as a graduate student. Kung nung isang linggo ay sobra akong nalugmok, ngayo'y may mabuting balita na dumating.



I ace the final exam.



That was my last shot.



I proved myself again.




"Cum Laude." Binasa ko nang malakas ang mensahe ni Felix sa akin para marinig ni Mama.



Napatayo naman si Mama sa tuwa. Nandito kami sa hospital para bantayan si Lola. At saktong sinabi sa akin ni Felix ang mabuting balita.




Niyakap ako ni Mama. Hindi ko naiwasang maluha dahil sa mga pinagdaanan ko sa pag-aaral. Nang matanggal ako last year sa pagiging President's Lister, gumuho ang mundo ko.



Hinagod ni Mama ang likod ko at saka ngumiti sa akin. Pati siya ay naiiyak para sa akin.



Humarap siya sa Lola ko na hanggang ngayo'y hindi pa rin gumigising.



"Ma, ang galing talaga ng apo niyo. Cum Laude!! Kaya gumising ka na, ikaw ang magsabit sa kanya ng medal," naiiyak na bigkas ni Mama.



Pinunasan ko ang tumakas na luha sa aking mata. Ang makitang nasa ganyang sitwasyon si Lola ay hindi ko magawang lubusang sumaya. Ilang linggo na lang ay graduation ko na. Makakaabot pa kaya si Lola?



"Natawagan mo na ba ang Papa mo?"



Agad naman ako nabalik sa aking ulirat dahil sa tanong ni Mama. Alam niya kaya na alam kong sira na ang pamilya namin noon pa? Kung alam niyang niloloko siya ni Papa, bakit binabanggit niya pa rin siya sa amin?



"Mamaya... na lang po."



Lumabas ako ng kwarto ni Lola dahil baka may itanong pa si Mama tungkol kay Papa. Pumunta ako sa hospital garden para kumalma.



Tinignan ko ang mga mensahe sa akin ng mga kaibigan ko.



Felix: Congrats bHie! You deserved it! Wag mo na isipin si Adrian, okie? Cum Laude ka at siya naman ay Cum Lande HAHAHAHAA char



Natawa ako kaunti dahil sa biro niya na totoo naman. Speaking of Adrian, I'm avoiding his calls and texts. I'm not yet ready to face him. Hindi pa kami official na naghiwalay. Doon na rin papunta yon.



Ang kapal ng mukha niyang tawagan pa ako!



Okay, calm down Lauren. Ibuhos no na lang lahat ng galit kapag nagkita kami.



Letisha: Napakataray naman. Cum Laude. Baka naman magkalimutan tayo ah HAHAHA




Lauren: Nahiya naman ako sa 'yo HAHAHAHA Cum Laude ka rin na may Mr. Summa Cum Laude!




Letisha: Shut up!




Natawa ako sa reaksyon niya. Napaka bitter naman.




Allison: Hoy babae! Cum Laude ka?



Lauren: Di po lods.



Allison: Ay sus. Napakatalino mo naman. Tanga nga lang HAHAHAHAHA kita us.




Lauren: Pa shout out muna sa vlog mo.



Allison started her make up and daily vlog last year. Nagulat nga ako na sinubukan niya iyon e. May kaibigan akong influencer. Well, it will help her a lot to market her cosmetic line soon.



Love in the Cold Wind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon