05

4 0 0
                                    

Chapter 5: WHEREVER

"What the hell, Lauren?" Mas malakas ang boses ni Allison ngayon.

Nasa Night District kami ngayon, isang bar malapit sa school ni Letisha. We hang out here once in a while and we missed this place so we decided to drink.

Kahit pala-aral ako ay sumasama pa rin ako sa kanila na gumimik. Pantanggal daw ito ng stress ayon kay Allison.


"Ulitin mo nga sinabi mo, 'di ko na-gets e," sambit ni Letisha.

Malakas kasi ang tugtog kaya napilitan akong ulitin ito gamit ang mas malakas na boses. "May jowa na ako!" ulit ko.

Napa-straight shot naman si Allison ng kanyang tequila. Si Letisha naman ay umiling at saka hinagilap ang kanyang cellphone.

"Search mo nga, pakita mo sa amin," utos niya at saka nilapag ang cellphone niya sa lamesa.

Napailing ako dahil doon. Hindi naman kailangan pero para matahimik siya ay sinunod ko na lang. Hinanap ko ang Instagram ni Adrian.

I typed 'Adrian Evan Angeles' and his profile appeared.

Pinakita ko naman iyon sa kanila at nagsimula na silang mag-scroll para makita si Adrian. Wala namang violent reaction ang dalawa. I knew it, Adrian is handsome. Wala naman siguro silang masasabi.

"Mukhang playboy sis." Nagkamali ako, may nasabi pa rin si Letisha.

Ngumuso naman ako dahil doon. He may look like a playbay and casanova but I knew him better. Adrian is not like that. He's more than just a handsome face.

"Pero ikaw, buhay mo yan. Support lang kami," bawi niya.

Tumango naman si Allison at saka kumindat sa akin. Mabuti naman at suportado nila ako. Masyado akong magdaramdam kung tututol sila pero alam ko naman na iyon ay dahil mahal nila ako.

"Pakilala mo sa amin, aba. Gusto namin makilatis," sambit ni Allison.

Kumunot naman ang noo ni Letisha dahil doon. "Akala mo naman pinakilala lahat ng naging awra niya," side comment ni Letisha.

Allison chuckled and raised her middle finger. "Hindi naman seryoso 'yon. At saka ayoko naman na masabihang tirador ng mga J," sambit niya.

We all have that one friend who's addicted in dating someone that has a name starting with letter 'J.'

"Ilan din 'yon sis. Si Jared, Jon, Jester at marami pang iba," Letisha stated.
Tumawa naman kaming tatlo dahil doon.

"Fuck them," nandidiring sambit ni Allison.

Nagpatuloy lang ang kasiyahan namin at mabuti na lang ay pinayagan ako ni Adrian. He's very understanding. Ayaw niya raw na masakal ako sa kanya. Well, I don't mind but I'm thankful to him.

Kinabukasan ay maaga akong umalis ng bahat dahil bibisita ako kay Lola. Tumawag kasi siya sa akin kagabi, gusto niya na raw ako makita.

Sumakay ako ng bus papunta sa bahay niya. Malaki ito at halatang mayaman ang may-ari. She's living with my aunt and other cousins. But, she's always looking for me.

"Apo," maligayang salubong niya sa akin.

Nagmano ako sa kanya at humalik sa pisngi. She's wearing her casual dress and I can't stop thinking how she aged so much. I don't want her to age. Although, class is still evident on her.

"Hi, Tita," bati ko kay Tita Glai. She's my mom's younger sister.

Ngumiti siya sa akin at saka naglapag ng maiinom ko. Tinawag naman niya ang iba kong pinsan ngunit kahit isa'y walang bumaba. Baka busy lang sila.

Love in the Cold Wind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon