19

9 0 0
                                    

Chapter 19: ALIVE



"Lauren."


Nagising ako nang may tumawag sa pangalan ko. Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata. Natagalan pa ako bago makakita ng maayos dahil sa panlalabo ng paningin.



Where am I?



Ginala ko ang aking paningin sa isang puting kwarto. Kahit saan ako lumingon ay puting pader lamang ang nakikita ko.


"Lauren." Binalingan ko ang babaeng kanina pa tumatawag sa pangalan ko. She's crying right now. Allison is crying, for the first time.



Bakit siya umiiyak? Knowing Allison, she's the bravest and fiercest among us.


I raised my left arm to wipe her tears but my wrist caught my attention. It is covered with gauze.



And the memory from that night came to me. I cut my wrist. I drowned myself. I almost killed myself.



Namumuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. Unti-unting bumabalik sa akin ang alaala at dahilan kung bakit ko ginustong tuldukan ang aking buhay.



Napahawak ako sa aking dibdib nang magsimula ulit itong kumirot.



"Why? What happened? Saan yung masakit?" Hindi mapakali si Allison at mas lalo siyang nag-panic nang sunod-sunod na tumulo ang aking mga luha.



Mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking dibdib. Nagbabaka sakaling mawala yung kirot.



My father cheated on us.



Adrian cheated on me.


My Lola passed away.




The painful scenarios flooded my mind and I couldn't think properly until the doctor came in. She checked on me and my wrist. She also checked my breathing but I didn't stop crying.




Nagmamadali namang pumasok si Mama sa aking kwarto para makita ako. May dala-dala siyang gamit ko at mukhang ilang araw nang walang tulog.




"Lauren, what's painful?" Mahinahong tanong ng doktor.



Hindi ako sumagot at iniinda na lamang ang sakit ng dibdib at ulo. Bawat pag-iyak ko'y mas bumibigat at humihina ang aking katawan.



Hinawakan ni Mama ang kamay ko para pakalmahin ako. Si Allison naman ay tahimik na umiiyak sa gilid ko.




"Anak, sabihin mo sa akin. Anong masakit?" Nahihirapang tanong ni Mama sa akin.



Kahit malabo na ang paningin ko dahil sa mga luha ay kitang-kita ko pa rin ang pangingintab ng mata ni Mama. Siguro ay wala pa siyang tulog at pahinga.



Kakamatay lamang ni Lola at sinubukan kong magpakamatay. I felt so guilty for my mother. She went through hell because of me.




Isa-isa namang nagsidatingan ang mga kaibigan ko--- Felix and Letisha. Dumating din si Tita Glai na kasama ni Leo at Kuya Liam. Lahat sila ay malungkot na nakatingin sa akin habang iniinda ko ang sakit.



I looked at them one by one and I can't deny that I'm guilty and lonely because of my decision. Hindi ko naisip ang magiging impact ng ginawa ko sa mga taong maiiwan ko. Hindi ko sila naisip. Napakamakasarili ko!



Lumapit sa akin ang doktor at saka kinuha ng dahan-dahan ang aking dalawang kamay. "Gusto mo bang umalis muna sila?" Tanong niya sa akin na tila ba'y naintindihan niya ang tumatakbo sa isip ko.



Love in the Cold Wind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon