04

5 0 0
                                    

Chapter 4: MUTUAL


"Class, Ms. Tailor got a perfect score in our quiz."


Pinalakpakan ako ng mga kaklase ko. Nagulat din ako na na-perfect ko ang aming quiz sa Calculus I. This is my damn weakness but I aced our quiz.


I'm so happy that I want to cry. After reading lots of books about it, I made it.


Sana ay palaging ganito.


"Hey, Lauren. Sama ka sa amin? May group study kami later with Jackson from CE-2," yaya ni Felix sa akin.


My mouth formed an 'o' after I heard it. Really? Jackson Cortez?


"Jackson??? Cortez?" paninigurado ko.


Inirapan niya ako at saka tumango. Ka-batch namin si Jackson ngunit alam ng lahat kung gaano kalupit ang utak niya. He's more advance than some of our seniors.


He's the living legend of Civil Engineering for having an average of 1.006 in our first semester.


Sana all!


"Paano niyo naman napapayag 'yon? Suplado daw 'yon ah," sambit ko.


He shrugged his shoulders. "Ewan, niyaya lang ako nila Genesis. Crush nila iyon e," sabi niya.

"E 'di crush mo na rin?" pang-aasar ko.


Nanlaki ang kanyang mga mata at saka tumingin sa paligid namin. Tinakpan naman niya ang bibig ko para hindi ako makatawa ng malakas. Huli ka pero 'di kulong!


Jackson Cortez is my rival, I guess. Professors keep on comparing us in anything we do. But I know that he's smarter than me.


"Gaga ka! Buti na lang walang nakarinig," he sighed in relief.


I made a face and carried my tote bag. Pauwi na ako ngayon at gusto ko sana matulog na lang. Wala kasi akong tigil sa pag-aaral kaya nakakapagod din.


"Ano ba, sasama ka ba o hindi?" tanong niya ulit.


Umiling naman ako at saka naglakad na palabas ng classroom. Nakasunod naman siya sa akin at patuloy akong pinipilit na sumama.


Ayoko nga! Mataas ang pride ko.


"Dali na bakla, samahan mo na ako," pilit niya.


Napatigil ako nang makita si Adrian sa labas ng room namin. He's wearing a blue shirt and maong pants. Nakasuot pa rin siya ng ID kaya alam kong pauwi na rin siya.


But I thought his classes ended two hours ago? Did he wait for me?


"Ay, ano ba yan," sambit ni Felix sa tabi ko.


Nakahalukipkip siya na nakatingin din kay Adrian. Noong nakaraan lang ay crush niya si Adrian ngunit ngayon ay si Jackson naman. Hindi ko talaga siya maintindihan.


Basta pogi ay magugustuhan niya!


"'Di mo naman sinabi na kinder ka pa rin ngayon. Araw-araw may sumusundo e. Tatay mo?" bulong ni Felix.


Tinulak ko siya bahagya palayo sa akin. Baka marinig siya ni Adrian.


Umayos naman ng tayo si Adrian at saka nilahad ang kanyang kamay. Nang una ay nalito ako roon ngunit agad ko itong nakuha. Binigay ko sa kanya ang aking bag dahil ayon sa kanya'y, ayaw niya ako mabigatan. Hindi naman mabigat iyon pero ayoko na lang siya pigilan.


Love in the Cold Wind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon