Chapter 21: ALWAYS
Napaayos ako ng higa sa kama nang mabasa ang mensahe mula kay Caleb. Hindi ko alam kung nais ko siyang makausap ngayon matapos kong sabihin sa aking sarili na sana hindi na lang ako nabigyan ng panibagong buhay.
It sounds unfair to him who saved me that night. But, I really believed that this is my end game. It's a game over for me.
Sa halip na magreply ako ay binaliwala ko na lang ang mensahe niya. He'll understand, for sure.
Nanatili lang akong nakatulala sa loob ng aking madilim na kwarto. Hawak-hawak ko ang aking palapulsuhan na hanggang ngayon ay may balot pa rin. Hindi pa rin ito magaling at inaasahan kong magkakaroon ito ng marka.
Hinintay ko lamang na lumiwanag bago ako humarap sa salamin. Kinuha ko ang aking suklay para ayusin ang nagulo kong buhok.
Why am I sick?
Why am I suffering from depression?
Hindi ko maiwasang maitanong yan sa sarili habang minamasdan ang repleksyon sa salamin. Bakit hindi ako normal? Bakit malungkot ang buhay ko?
Maaga pa lang ay tinawagan agad ako ni Letisha. Niyayaya niya akong kumain sa labas kasama si Allison.
"Please," pagmamakaawa niya.
"Let...hindi ako sugurado kung pwede na akong lumabas," pagdadahilan ko. Ayoko kasing tumapak sa labas ng bahay. Pakiramdam ko'y sakit lang ang idudulot nito sa akin.
She sighed. "Sige pero pupunta kami dyan. Pwede ba?"
Hindi ako makasagot. Ayoko rin sila pumunta rito. Nahihiya ako sa kanila. Lahat ay ginagawa nila para sa akin ngunit binigo ko sila.
Ayokong dumagdag pa sa iniisip nila. Ayokong abalahin sila.
"Lauren, please. Hang out lang. We missed you," medyo malungkot na sinambit ni Letisha.
Pwede ba? May pag-asa pa ba ang buhay ko? Kaya ko pa rin bang sumaya ngayon?
"Letisha, ayoko lang na abalahin kayo. Alam ko naman na busy kayo----."
"We always have time for you. We will always make time for you," sambit niya.
I bit my lower lip to stopped myself from tearing up. It's still early in the morning. Too early to cry.
"I'll fetch you. 2pm. Bye."
Sandali ko pang tinitigan ang aking cellphone bago ito nilapag sa aking kama. Nagulat pa ako nang kumatok si Leo sa aking pinto.
"Ate, kakain na raw."
Pagkababa ko ay nandoon na si Mama at Kuya Liam sa hapag. Ako na lang pala ang hinihintay.
Pansin ko rin na mugto ang mga mata ni Mama.
"Morning," bati ni Kuya.
Nginitian ko siya at saka umupo sa gilid niya. Kaharap ko si Leo at kaharap naman ni Kuya si Mama. Ang upuan sa gitna ay nakareserba kay Papa. Hindi ko lang alam kung hanggang kailan kami maniniwala na babalik pa siya sa amin.
Nagluto si Mama ng mga paborito kong almusal. Napangiti ako dahil doon.
I'm fine. I'm okay. I told myself.
BINABASA MO ANG
Love in the Cold Wind
RomanceLauren Grey Tailor When everything seems so dark, will you be my light?