Chapter 14: HERE
Mabilis kong pinindot ang 'home' button ng cellphone ko. Tinago ko ito kaagad dahil sobra ang kaba ko ngayon. Masyadong niyayanig ni Caleb ang aking sistema at alam kong mali iyon.
I admit it, I was a bit attached to him. Sa sobrang bait niya ay hindi siya mawala sa isipan ko. Hindi ko na siya sinubukang tawagan pagkauwi ko ng Pilipinas. Alam ko sa sarili ko na hindi ko dapat gawin iyon.
I don't know if he accepted my favor. Kung totoo man na kinalimutan niya ako, hindi ko sigurado ang aking mararamdaman.
"I'm sorry..." Adrian said with teary eyes.
I stopped myself from crying but I failed. When I saw him once again after months, I felt like home. I've been lost but seeing him right now made me want to stand up and fight again.
Adrian gave me strength now.
"I'm sorry..."
I looked at him in the eye. I know our sparks were gone but I still believe that we can still stay together. We're just in the lowest points of our lives. Both of us are having an identity crisis and it's fine.
"I'm sorry---."
Hindi ko na siya pinatapos dahil tumakbo na ako papunta sa kanya. I hugged him tight. I missed him so much.
Akala ko ay kapag bumalik siya ay magagalit ako ng sobra pero ngayong nasa harapan ko na siya, hindi ko magawang magalit. Napakahina ko pagdating sa kanya.
"S-san ka galing? Bakit ngayon ka lang?" I sounded like a child right now.
Kumalas siya sa pagkayakap namin at saka ako hinarap sa kanya. Siya na mismo ang nagpunas ng luha ko. I cried once again when he kissed my forehead. This is my man. This is Adrian.
"Babawi ako, I promise."
Gaya ng pangako ni Adrian ay bumawi nga siya sa akin. Kung noon ay hindi niya na ako hinihintay pauwi, ngayon nama'y matyaga siyang naghihintay. Parehas kaming busy pero simula nang ikwento ko sa kanya lahat ng nangyari sa akin habang magkalayo kami ay bumawi siya lalo sa akin.
"Bakit ganyan ka makatitig?" Kanina pa kasi ako tinitignan ni Felix at pansin kong makahulugan ito. May gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.
Huminga muna siya nang malalim at saka hinawakan ang kamay ko. Tinignan ko iyon at saka bumaling sa kanya. He's acting weird these days. I don't know why.
"Pinatawad mo ulit si Adrian?"
Nagsalubong lalo ang kilay ko dahil sa tanong niya. So, he's commenting about Adrian again.
"Oo, he said sorry and I forgave him."
Napapikit siya na mariin at saka mas pinisil ang kamay kong hawak niya. "Kaibigan kita, Lauren. Ayokong nasasaktan ka."
Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero mas hinigpitan niya ang hawak sa akin. "Felix, ano ba. Alam kong hindi ka boto kay Adrian para sa akin pero huwag mo naman akong pangunahan."
Nagsisi ako na napagsalitaan ko siya lalo na nang tipid siyang ngumiti sa akin. "Ang gusto ko lang na maisip mo ay kung bakit matagal siya magparamdam bago bumalik sa 'yo. Saan siya galing, Lauren? At talagang nawala pa siya sa oras na kailangan mo siya---."
"Naging busy siya, Felix," giit ko.
Inirapan niya ako at saka binatawan ang aking kamay. "Hanggang kailan ka magtitiis sa kanya? Ni minsan ba hindi mo naisip na baka niloloko ka na lang niya?"
BINABASA MO ANG
Love in the Cold Wind
RomanceLauren Grey Tailor When everything seems so dark, will you be my light?