Chapter 2: ENGINEERING
"Hi, Papa. How are you?"
Nag-uusap kami ngayon through Skype. Ngayon na nga lang ulit siya nakatawag dahil ayon sa kanya ay marami silang trabaho ngayon.
He's a Civil Engineering and now working in New York. Halos apat na taon na rin siyang nasa ibang bansa dahil hindi pa raw siya tapos mag-ipon.
Mama, on the other hand, is a professional baker. She owns a small pastry shop near our house. Ngunit gaya ni Papa ay hindi pa rin siya nakakaipon ng malaki.
I have two brothers. Liam is the eldest and Leo is the youngest. I'm the only girl so I had this special connection with Papa.
"Fine, honey. How about you? By the way, Congratulations! You never failed to make us proud, anak."
Labis akong natuwa sa sinabi niya. All I want is to make them proud. I'm happy that I'm doing it right now.
Sinabi ni Papa na hindi pa siya makakauwi ngayong taon dahil may malaki daw siyang proyekto. Medyo nalungkot ako ngunit alam ko naman na kung may oras ay uuwi talaga siya rito sa amin.
"What is this Leonardo?!" I heard mom shouting.
Lumabas ako ng aking kwarto upang malaman kung bakit sumisigaw si Mama. Gabing-gabi na kaya nag-aalala ako na makaistorbo kami ng kapit-bahay. We're living in an ordinary subdivision so for sure, they heard mama shouting.
Nasa sala siya ngayon at kaharap si Leo. Nakaupo lang siya sa sofa at nakayuko. Hawak naman ni mama ang isang papel at sigurado akong report card iyon.
He's a grade 11 student and turning grade 12 next school year. Parehas lang din kami ng eskwelahang pinapasukan.
"Bakit ka naman may 80 at sa Basic Calculus pa? Leo, basic na nga e," iritadong sambit ni mama. Medyo hininaan na niya ang kanyang boses ngunit malakas pa rin ito para sa akin.
Hindi ako nagpakita sa kanilang dalawa at nagtago lang ako sa hagdan. I don't want to butt in because I don't want to take sides. It's best if I remain neutral in everything.
"Ma, basic nga nakalagay pero hindi siya basic" giit ng kapatid ko.
Padabog na nilapag ni mama ang report card sa aming lamesa. Nakapamewang naman siya ngayon at saka umiling.
"Kahit na, Leonardo. 80? Dios ko, pasang-awa na lang yan e," sambit niya.
Naaawa ako sa aking kapatid. Alam ko ang nararanasan niya dahil hindi rin naman ako magaling sa asignaturang iyon.
Marunong lang ako pero hindi magaling.
Kung titignan ang aking report card at iyon ang may pinakamababang marka ngunit mataas pa rin ito. I also think that my teacher gave me that grade because they know that I'm a candidate as batch valedictorian.
Hindi masama ang loob ko dahil alam ko namang ginawa ko ang lahat. Sadyang hindi para sa akin ang matematika.
"Ano na lang ang sasabihin ng papa ninyo sa akin? Na pinapabayaan ko ang pag-aaral niyo? Gusto mo bang magtalo pa kami dahil sayo?" tanong ni mama sa aking kapatid.
Ramdam ko na galit na si Leo ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili. Nakakuyom ang kanyang mga palad at nakatingin lang sa sahig.
"Bakit kasi hindi ka na lang tumulad sa ate mo---," hindi na naituloy ni mama ang kanyang sasabihin.
BINABASA MO ANG
Love in the Cold Wind
RomanceLauren Grey Tailor When everything seems so dark, will you be my light?