09

5 0 0
                                    

Chapter 9: BROKEN TRUST


Bumungad sa harapan namin ang isang mamahaling sasakyan. At first, I thought the driver just parked his car in front of us. But heck, Caleb went inside the car.


May lumabas sa passenger's seat upang kunin ang aking maleta at saka nilagay sa compartment ng sasakyan. Nakasuot siya ng pormal na damit at mukha siyang empleyado.


"Hey, hindi ka ba papasok?" tanong ni Caleb sa akin.


Nakadungaw siya sa akin at kitang-kita na nasisiyahan siya sa reaksyon ko. Mapagkakatiwalaan ko ba siya? Paano kung miyembro pala sila ng sindikato? Baka hindi na ako makauwi!


Ngunit kahit anong takot ko'y sumunod na lamang ako sa kanya. Pumasok ako sa sasakyan at katabi ko si Caleb na ngayo'y hawak ang kanyang cellphone.


Naisipan ko naman na tawagan si Adrian para ibalitang nakarating na ako sa Singapore. Mabuti na lang at nakabili ako ng roaming sim bago umalis ng Pinas.


Calling +639...


Nakailang ring pa bago niya ito sinagot. Sigurado akong nakabalik na siya sa condo niya.


"Hey," bungad ko.


I saw Caleb looked at me in my peripheral view. But I ignored him. Adrian is more important.


"Yes? Did you land safely?" tanong niya.


Minsan ay naguguluhan ako kay Adrian. Sometimes he's cold and sometimes he cares for me. Napag-usapan na rin naman ang tungkol doon at sinabi niya lang na minsa'y malamig siya sa akin dahil pagod siya.



Even if it's hard to believe, I still believe in him. He's still the first guy who taught me what love is. He made me feel loved and in return, I must keep on loving him.


"Yes, babe. Where are you?" tanong ko nang marinig na maingay sa paligid niya.


"Nasa condo ni Christian, may party siya ngayon dahil birthday ng kapatid niya. Inimbita niya ang tropa," sagot niya.


Kinalma ko muna ang sarili ko. Ayokong isipin niya na ayaw kong kasama niya ang mga kaibigan niya. Pero lagi kasi siyang napapahamak tuwing kasama sila Christian.


Noon ay hindi malakas uminom si Adrian, ngayon ay halos masunog na ang kanyang atay. Natuto na rin siyang manigarilyo at mag-vape dahil sa kanila. But I'm not blaming them, it's still Adrian's choice.


Ayoko siyang pagbawalan dahil baka masakal siya sa akin.


"Uhmm sino-sino kayo?" maingat kong tanong.


"Sila Christian lang, sino pa ba?" may inis sa kanyang tono.



I sighed and just let him. Ayokong makipagtalo. Lagi na lang kaming nag-aaway.



Ayoko lang naman na magkasakitan kaming dalawa. Ayokong parehas kaming masaktan sa relasyon na ito.



"Sige, 'wag iinom ng marami ah. Wala ako para alagaan ka," bilin ko.


Hindi naman siya sumagot kaya pinatay ko na lang ang tawag. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa kalsada.


Napakalinis ng Singapore. Mayroon ding kaunting traffic ngunit hindi katulad sa Pinas. Mabuti na lang at maganda rin ang panahon ngayon.


"Is that your little brother?" tanong ni Caleb kaya napalingon ako sa kanya.



Nakasalubong naman ang kilay ko. "No, boyfriend ko 'yon," paglilinaw ko.



Love in the Cold Wind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon