Chapter 22: SUNRISE
Ubos ko na ang aking banana milk habang sila'y marami pang iniinom. Medyo tipsy na rin ang dalawa kong kaibigan lalo na si Letisha. Allison can still manage herself. She's good with alcohol.
"Let, pang-ilan mo na 'yan?"
She chuckled and pinched my cheeck. "I'm fine." Well, she isn't.
Si Felix naman ay patuloy na nagkekwento ng nakakatawa kaya minsa'y sumusulyap ako kay Caleb na tipid lang ang ngiti. Tuwing mararamdaman kong titingin siya sa akin ay umiiwas ako.
"Tapos 'yon, iniwan na ako. Tangina," kwento ni Felix.
"Inom lang, walang iyakan," komento ni Allison na binubuksan ang panlima niyang beer.
Si Felix ay halatang lasing na. Kung ano-ano na ang sinasabi tungkol sa taong nang-iwan sa kanya. I thought he has no lover. Bakit hindi niya naikwento ito sa akin?
"Mamatay na lahat ng mang-iiwan," sabi ni Letisha.
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. May luha rin na tumulo sa kanyang mga mata.
"Hey," tawag ko sa kanya.
I caressed her back and gave her a hug. "It's okay," I assured her.
Dahil sa sinabi ni Letisha ay natahimik kaming lahat. Tanging paghikbi niya lang ang naririnig namin.
"Nasaan ba 'yon? Anong bansa nga ulit? Pupuntahan ko," si Allison.
"Tapos? Anong gagawin mo?" tanong sa kanya ni Elias.
"Hihilahin ko pabalik dito. Kawawa naman 'tong kaibigan ko!"
I pouted and continued caressing her back until she stopped sobbing. "I'm sorry..." natatawa niyang sinabi.
Kumuha ako ng panyo sa aking bag at binigay iyon sa kanya. She smiled at me. "You're strong, Lauren. You're stronger than me."
I don't know what to respond. I've never been in her place. My experience with Adrian was way more different to her. She suffered and cried a lot just like me. But the pain we had were totally different from each other. This is what we get from loving someone.
Dahil lasing na si Letisha, ako na lang ang magmamaneho.
"You sure?" tanong ni Caleb.
Katabi ko siya ngayon sa paglalakad pabalik sa parking lot. Inaalalayan naman ni Allison si Letisha ngayon. Mabuti at ayos pa itong apat na kasama namin.
"Yeah, I have my license."
Niyakap ko ang sarili ko dahil mas lumakas ang ihip ng hangin. Mas nilamig tuloy ako. Pero iniingatan ko pa ring hindi nila makita ang kaliwa kong palapulsuhan.
"Lauren, are you avoiding me?" tanong niya muli.
Napatigil naman ako sa paglalakad. Natawa ako bahagya. "Bakit naman kita iiwasan?"
Nagkibit balikat siya. Ang kanyang malambot na buhok ay sumasayaw kasabay nang pag-ihip ng hangin. Ang kanya ring polo shirt ay umaalon kasabay ng malamig na hangin.
"Hindi ka nag-reply sa chat ko kaninang umaga."
"Ahh," sabi ko at naglakad na muli palapit sa mga kaibigan ko. "I need to stay away from my phone for my treatment," I said to him.
BINABASA MO ANG
Love in the Cold Wind
RomanceLauren Grey Tailor When everything seems so dark, will you be my light?