Chapter 16: SING
"Umalis ka na," pagtataboy ni Felix kay Aika.
Nagdalawang isip muna si Aika at pilit akong tinititigan. Gustuhin ko man maging mabait sa kanya, hindi ko magawa. Isa siya sa nanloko sa akin.
"P-please...," hirap kong sinabi.
Wala na siyang nagawa kundi umalis. May mga estudyanteng nakatingin sa amin ngunit binalewala namin iyon. Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang dalawa kong palad.
Crying won't solve anything. Crying doesn't make me calm anymore. Everything is different. It's cold.
Lumipat ng upuan si Felix para aluhin ako. Nilagay nya ang aking ulo sa kanyang balikat at niyakap ako. Ramdam ko ang pagtaas-baba ng aking balikat. Hirap na hirap ako sa pag-iyak.
As much as I want to scream and cry hard, I stopped myself because the pain inside my heart kills me every second.
"Lauren, I told you before. But you didn't believed me."
Mas lalo akong naiyak dahil tama si Felix. Sinabihan niya na ako na nagloloko si Adrian ngunit 'di ako nakinig. Hindi ako natutong makinig. Hindi ko siya pinakinggan.
I was blinded. Now that I know everything, it hurts more.
Felix's phone rang so he answered it. Nasa gilid niya ako at nakatakip pa rin ang mukha. Ayokong makita nila akong nasa ganitong kalagayan. I'm Lauren.
"Kasama ko... umiiyak. Oo, dahil sa gago niyang boyfriend," Felix said on the line.
Hindi ko kilala kung sino ang kausap niya pero hinayaan ko na lang siya. Mabuti na lang at tapos na ang final exam namin. Kung mas maaga ko ito nalaman, baka hindi pa ako makapag-martsa.
Kinalma ko na ang sarili ko dahil gusto ko na umuwi. At hindi ako pwedeng umuwi na ganito ang itsura. Magagalit sa akin si Mama. Baka isumbat niya pa sa akin na tama siya at ako ang mali. Nakakapagod na rin makinig sa sermon niya.
"Felix, let's go---."
Nagulat ako nang makitang nasa harapan ko na ngayon si Caleb at nasa likod niya si Jackson at ang isa pa nilang kaibigan. Ang dalawa ay nakatingin sa akin ng maigi. Sobrang liit na siguro ng mata ko ngayon dahil sa pag-iyak.
Tinignan ko naman si Felix na ngayo'y nakamasid sa akin. Naguguluhan ko siyang tinitigan. Si Caleb ba ang kausap niya kanina?
"Yes, sis. He's my cousin," he said referring to Caleb.
Bumalik naman ang tingin ko kay Caleb na matalim na ang tingin sa akin. Umiwas ako ng tingin at saka hinawakan na ang aking bag.
"Felix, I need to go home." Nagmamadali akong tumayo para makaalis sa eksenang iyon. Napansin ko pang naguguluhan ang isa nilang kaibigan.
Maybe, he's Elias.
Dinig ko namang sinusundan ako ni Felix. Nakalimutan ko palang magdala ng sasakyan ngayon. Napatigil ako sa paglakad para sabunutan ang sarili ko. Bakit ba ang malas ko?
Sobrang bilis ng tibok ng aking puso at sumasakit ang ulo ko. Lagi na lang nila akong naabutan sa ganitong sitwasyon. Nakakahiya.
I tried to call Letisha and Allison. Maybe they can fetch me right now. I hope they're just around here.
"Yes, siz?" Letisha answered immediately.
BINABASA MO ANG
Love in the Cold Wind
RomanceLauren Grey Tailor When everything seems so dark, will you be my light?