Chapter 29: ENOUGH
I arrived early in the office. Mabuti na lang at hindi traffic. Binati ako ng guard at pinagbuksan ng pintuan. Ngumiti ako sa mga taong nakakasalubong ko. Well, I'm a beginner.
Umakyat naman ako sa office ni Ms. Gracias, iyong nag-interview sa akin. Nakangiti niya akong sinalubong.
"Wow, you look good!"
"Thank you po," I shyly said.
Sabi niya ay ihahatid niya ako sa engineering department kaya nakasunod lang ako sa kanya. Many employees were looking at me. Nginingitian ko naman sila.
Marami ring mga lalaking tumitingin sa akin. Tuwing nililingon ko sila'y nag-iiwas sila ng tingin. I'm not uncomfortable with that. It's fine. They must be curious with a new face.
Umakyat kami sa 14th floor dahil naroon daw ang engineering department. Lumabis naman ang kaba na nararamdaman ko. This is it! Another chapter of my life has officially started.
Sinalubong kami ng mga magagandang chandelier. Tahimik ang buong palapag at may iilan lamang na nasa workers' lounge. Napatingin sila sa amin at bumati.
"Good morning, Engr. Centino." Nalipat ang tingin ko sa isang matangkad na engineer na binati ni Ms. Gracias.
The engineer smiled to Ms. Gracias but didn't even bother to look at me. So, uh okay.
"This is Engr. Tailor," pakilala sa akin ni Ms. Gracias.
At saka niya pa lang ako binalingan. Ngumiti ako ngunit hindi niya sinuklian. Uh, okay.
"I see, thank you Ms. Gracias."
Nagpaalam na si Ms. Gracias sa amin kaya naiwan lang akong nakatayo sa gilid. May mga kinakausap pa kasi si Engr. Centino at hindi ko alam saan ako pupunta. Sa kanya ako iniwan kaya sa kanya ako susunod.
I'm keeping the positive vibes in me especially when the hallway started to get crowded. Mas dumami na ang mga empleyadong nakakasalubong namin. Ang iba'y sinusuri kung sino ako. May iba naman na walang pakialam.
"Hi, are you new here?"
Napabaling ako sa isang morenong lalaking lumapit sa akin. He is the first one to approach me. Ngumiti ako sa kanya at tinignan si Engr. Centino na nakakunot ang noong nakatingin sa amin. Patuloy na nagsasalita ang kausap niya ngunit nakatingin lamang siya sa amin.
"You are Engr. Lauren Tailor, right? You topped the boards." Masayang sinabi ng katabi ko.
Medyo nahiya ako at tumango. "Wow, you know me."
"Of course, I'm a fan," mas lalong lumapad ang ngiti niya.
Napansin kong lahat ng mga empleyado rito sa RxM ay may mga itsura. All of them looked like hot bachelors. The women here look intimidating but I hope I'll get well with them.
Patuloy pa akong kinakausap ng lalaki kaya medyo hindi ako naging kumportable. Sinasagot ko lamang ang mga tanong niya dahil ayoko namang masabihang suplada. Sumusulyap ako kay Engr. Centino na mukhang hindi pa rin tapos makipag-usap. Should I wait for him?
"Good morning, Sir."
Nalingat ang paningin ko sa binabati ng mga empleyado. Nakahilera sila sa hallway at siniguradong walang nakaharang sa gitna. All of them are greeting Caleb.
My heart started pounding so hard. Should I look at him? But I remembered him saying he loves me last night. Grabe ka naman kasi Caleb!
Nakasuot siya ng black suit at nakataas ang buhok. He really fits this corporate world. He's a hot bachelor. The hottest.
BINABASA MO ANG
Love in the Cold Wind
RomanceLauren Grey Tailor When everything seems so dark, will you be my light?