03

3 0 0
                                    

Chapter 3: UNFAMILIAR


Hindi naman ako nahirapan sa mga unang buwan. Nakakayanan ko rin ang mabibigat na subject ngunit hindi lang ako sigurado sa makukuha kong marka.


"Lauren, may naghahanap sa'yo sa labas. Pogi," sabi ni Felix, my blockmate.


Tinitigan ko naman ang ilang libro sa harapan ko. Nag-aaral kasi ako ngayon dahil baka may surprise quiz mamaya si Sir Alvin. Strikto pa naman iyon.


"Sino raw?" tanong ko.


Ayoko pa naman na naiistorbo sa pag-aaral. At isa pa, matatapos na ang morning break namin.


"Yung pogi nga na ME," giit niya na tila nauubusan na ng pasensya sa akin.


Si Adrian? May usapan ba kami ngayon?


Adrian became my school friend because he kept on showing everywhere I go. Masaya rin siya kasama dahil madalas naman kaming nag-uusap tungkol sa math. Mabuti na lang at magaling siya roon dahil pwede raw ako magpaturo sa kanya.


Inayos ko muna ang aking buhok at saka lumabas na ng classroom. Tama nga si Felix. Nasa labas si Adrian at nakasandal sa aming pintuan. Nakapasok sa bulsa ang kanyang mga kamay. Pansin ko rin na humaba na kaunti ang kanyang buhok.


Napaayos siya ng tayo nang makita ako at saka ako nginitian.


"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.


May ilang mga babae na nakatingin kay Adrian kahit nasa akin ang atensyon niya. I don't think he's not aware of his popularity.


Kahit na nasa CE building kami ay kilala pa rin itong si Adrian. Madalas kasi siyang binibida ng ibang professor.


"Wala lang, dinadalaw ka lang," sagot niya.


Inirapan ko siya at saka tumabi sa kanya para sumandal sa pader. Ayoko naman na paalisin siya dahil mukhang kakarating niya lang.


"Bakit nga? I'm sure you're busy since ME is not an easy course," giit ko.


"And I'm also sure that you're busy since CE is not an easy course but here you are, talking to me," makahulugan niyang sinabi.


Hindi ako manhid. Alam kong sinusubukan niya lahat ng kanyang makakaya para mapalapit sa akin. He's always making the first move.


"By the way, are you free this weekend? Labas tayo," yaya niya.


My brows slightly furrowed because of that. I'm sure that I'm going to study in weekend. Nakakatakot kasing malingat sa pag-aaral. Magugulat ka na lang na malayo na ang itinuturo sa inyo. Yung tipong hindi mo na maintindihan.


"Sorry Adrian, kailangan ko mag-aral e," sambit ko.


Nawala naman ang ngiti sa kanyang labi ngunit agad niya itong binalik. "Sure, we can go next time," sabi niya.


Tumango naman ako sa sinabi niya. Mabuti na lang at naiintindihan niya na mas importante sa akin ang pag-aaral. First year pa lang kami at nahihirapan agad ako. Hindi iyon maaari dahil paano na lang sa kapag second year na ako.


I can't afford to be distracted.


"Kamusta mga hunghang?" bati ni Allison.


Naka-video call lang kaming tatlo dahil pare-parehas kaming busy. Ngunit mukha naman silang hindi nahihirapan sa pag-aaral.


Ganon ba talaga kapag gusto mo ang ginagawa mo?


Love in the Cold Wind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon