Chapter 30: START
Maaga akong gumising dahil kumatok na agad si Kuya. It's Sunday and I promised him to attend his gig. Hapon pa naman ang event ngunit gusto ni Kuya na mamasyal muna kami. Hindi kasama si Leo dahil busy siya masyado. Si Mama naman ay may event ngayon.
"Kuya, is this okay?" tamad kong tanong sa kanya. Umikot ako sa harapan niya para mapakita ang suot ko. I'm wearing a plain white fitted blouse and a high waisted jeans.
"I think it's good."
Sumakay na ako sa kotse ni Kuya at siya naman ang nagmamaneho. Nakatingin lamang ako sa labas bago makatanggap ng mensahe mula kay Caleb.
From: Caleb
Did you take your medicines? Enjoy your day!
Napangiti ako bago nagtipa ng isasagot. Kuya stopped singing when he noticed it.
"Bakit ka nakangiti?" tanong niya at umambang sisilip sa cellphone ko. Nilayo ko ito sa kanya at inirapan na lang siya.
To: Caleb
Yes, I took it earlier. You, too.
Tinago ko na ang cellphone ko sa bag at nakisabay na lang sa pagkanta ni Kuya. I recorded us singing and posted it on my Instagram. My notifications exploded with his fans' comments.
Wow, Liam has a sister. She's so pretty uwu.
Ang gaganda naman ng boses nila. Nawa'y lahat!
SANA ALL MAY KUYA!
Pinakita ko iyon sa kanya kaya sabay kaming tumawa. Tinabi ni Kuya ang sasakyan niya at saka kami lumabas. Pumasok kami sa isang fancy restaurant. Kuya don't need to cover his face. He's famous but he doesn't care.
He asked my order and went to the counter. Habang ako ay pinagmamasdan lamang ang mainit na araw at ang kaabalahan ng trapiko. May mga bata rin akong nakikitang nagbibisekleta at nakikipagsabayan sa malalaking sasakyan. It's dangerous.
Bumalik na sa upuan si Kuya at naghihintay na lang kami ng pagkain. Pwede naman kaming kumain sa bahay ngunit sabi niya'y gusto niya akong ilibre ngayon. He's a big time artist now. Nakuha nga niya ang atensyon ng mga taong nandito.
"Baka pagkamalan akong girlfriend mo, kuya!"
Tinawanan niya ako at umiling. "Magkamukha tayo, impossible 'yon!"
Sabagay! We have the same facial features. Unlike Leo who has a dark aura, Kuya Liam looks like an angel. Pero syempre kabaligtaran 'yon.
"How old are you now, Kuya? 27? No girlfriend?" tanong ko.
Napaahon naman siya sa tanong ko. Kumunot ang noo sa pagtataka. "What girlfriend?"
"Wala ka bang girlfriend? Ang tanda mo na!" singhal ko sa kanya.
He smirked at me. He can't believe what I just said. Yes, my brother is handsome but I haven't seen him going out with girls or even with celebrities. Some of his band mates are dating famous models. Siya na lang ata ang wala pang dating scandal sa kanilang lahat.
"Hindi ako sinagot," sagot niya.
I groaned in disbelief. "So, meron nga?! Sino???"
BINABASA MO ANG
Love in the Cold Wind
RomanceLauren Grey Tailor When everything seems so dark, will you be my light?