Chapter 18: END
"Lauren!"
Kanina pa ako tinatawag ni Felix pero nandito pa rin ako. Umiiyak habang nakaupo, hawak hawak ang dibdib.
Sa wakas ay nakalapit na sa akin si Felix. "What happened? Sinong umaway sa 'yo?" Inikot ikot niya ang paningin niya para makita kung sino ang iniiyakan ko. Nang makita niya kung sino ay nandilim ang paningin niya.
"F-felix, h'wag," pinigilan ko siya na lumapit kay Adrian.
Naaawa niya akong tinignan at saka pinunasan ang luha ko. "Bakit ka nandito? That's your fucking boyfriend! Iyo siya! Bakit ka umiiyak dito na para bang ikaw ang walang karapatan?!" Inis na inis niyang sinabi.
Tumango ako paulit-ulit dahil tama naman siya. Huminga ako nang malalim at saka tumayo. What am I even doing?! I'm the girlfriend.
But I'm so weak right now.
Tumayo rin si Felix sa tabi ko at saka ako inakbayan. "Anong gagawin mo?" Nagtataka niyang tanong.
"Don't follow me." May bahid na panghihina sa boses ko.
Umalis ako sa eksenang iyon at saka pumuntang parking lot. At tama nga ako, dito papunta ang dalawang ahas.
Tumabi ako sa kotse ni Adrian at hinintay sila makalapit. Nang masilayan nila ako'y bahagya silang lumayo sa isa't-isa. Kitang-kita ko ang takot sa tingin ni Emily. But Adrian acted normal.
Nauna siyang maglakad kay Emily para salubungin ako. This is our first time seeing each other after a few weeks, when he punched Jackson and accused me of cheating.
Manipulative man.
I plastered a big smile when Adrian came to me. Emily is behind him.
Lumapit ako sa kanya para yakapin siya ng mahigpit. Kitang-kita ko naman ang pag-iwas ng tingin sa amin ni Emily.
Kumalas ako sa yakap namin at saka hinila si Adrian para mahalikan sa harap ni Emily. But, he pushed me away that made me shock.
Binalingan naman niya ngayon si Emily na nasa likod niya.
I laughed sarcastically. Adrian's brows slightly furrowed. Damn you, cheater.
"Jerk."
Sinampal ko siya nang malakas dahil punong-puno ako ng galit. Sa sobrang bilis nang tibok ng puso ko'y pwede na akong sumabog ng sobra.
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob.
"What the hell, Lauren!" Galit na galit si Adrian ngayon pero sinampal ko muli siya.
Nag-react naman si Emily at saka lumapit sa amin pero bago pa niya ako malapitan ay sinampal ko na rin siya.
Pinagmasdan ko silang dalawa. Bagay sila. Sana sila na lang. Bakit kailangan pa akong madamay? Bakit ako pa?!
Nakahawak si Emily sa pisngi niya na sinampal ko. May inis din sa kanyang titig.
"Ano? Masakit?" I hysterically shouted at her.
Tinignan ko naman si Adrian na ngayo'y nakapikit. You're smart, Adrian. Sana mas ginalingan mo ang panloloko. Yung tipong hindi ko malalaman.
BINABASA MO ANG
Love in the Cold Wind
RomanceLauren Grey Tailor When everything seems so dark, will you be my light?