Her POV
Lagi kong iniisip noon kung anong mangyayari sakin sa hinaharap. Ang dami kong pangarap noon, gusto kong maging doctor, veterinarian at artista pero malabo. Yan yung ilang sa mga pangarap ko dati pero hindi para sa akin ang mga yan. Naglalakad ako ngayon papasok sa isang kwarto kung saan ipagpapatuloy ko ang trabaho ko bilang isang waitress. Waitress ako sa isang restaurant, hindi man ito ganun kasikat at least maraming tao ang kumakain dito. Pagpasok ko sa kwarto ay dumiretso ako sa locker ko at nagpalit na agad ako ng damit sabay inayos ang sarili ko. Palabas na sana ako ng dumating ang mga ka-trabaho ko pati na ang manager namin.
"Wow, ang ganda mo naman ngayon" bati sakin ni Nami, kapwa waitress ko rin.
"Ah, hahahaha hindi naman" tatawa-tawang sagot ko sabay tinapik sya. Kahit kailan talaga may pagka-bolera 'to.
"Parang blooming ka ngayon, ah?" sabi naman nung isa sa mga cook dito, hindi ko sya kilala, eh. Oh, di ba? Sa tagal ko ng nagta-trabaho dito may mga hindi pa rin ako kilala, hahahahaha.
"Andito ka na, welcome back ulit" bati naman nung manager slash boss namin, si Mr. Napoleon Nantes. Ang gwapo nyan, halos lahat nga ng babae dito even yung customers crush sya. Except me dahil may iba ng laman ang puso ko. Sorry Mr. Napoleon, hindi uubra sakin ang kagwapuhan mo. Oo nga pala, welcome back kasi nag-take ako ng leave, nagrelax lang ako buong leave na yun and worth it talaga sya.
"Thank you po, Sir Napoleon" pasalamat ko sabay yumuko ng kaunti bilang paggalang. Nginitian nya lang ako tapos kumuha sya ng wine at baso then sinalinan yun.
"Here, since bumalik na ang isa sa mga masipag na empleyado dito, let's toast to that" puri ni manager sakin sabay inabot ang isang baso na may laman na wine. Sus~ palibhasa isa ako sa mga maganda dito, hahahaha joke lang. Pero maganda naman talaga ako, di ba?
"A-hehehe salamat po, salamat po Sir" nahihiyang sabi ko sabay nakipag-cheers kay Sir.
"Hahahaha, kayo? Learn from her, ang sipag nya at sobrang dedicated sa trabaho. Sana kayo rin, gayahin nyo sya" pangaral ni Sir dun sa mga katrabaho ko. Masipag at dedicated ako sa trabaho? Buti naman alam ni Sir yun, sana naman ma-promote ako. Sana mapunta na ako sa kitchen bilang isang assistant o kaya assistant manager na lang mas maganda yun.

BINABASA MO ANG
My Times With You
RandomI'll never forget the times that we had together. That unforgettable time I had with you.