Consequences

21 8 0
                                    

Third Person's POV




Hindi pa rin nawawala ang ngisi ni Mr. Javier na parang may masamang binabalak. Lumingon sya sa ibang mga estudyante pagkalapit kay Jairrho.

"What are you looking for? Give him a round of applause" utos nito sabay pumalakpak kasabay ng mga taga-class 4-E. Tuwang-tuwa sila dahil sa nangyari sa boss nila.


"Enough!" sigaw nito matapos ang ilang palakpak. Naguguluhan naman ang lahat sa inaasta ng bagong principal at teacher.



"Now, tell me Mr. Galvez. Tell me how you got in the top 10, tell me how did you CHEAT in the exam? Where did you threw your CODIGO?" tanong nito kay Jairrho ng may halong pang-iinis. Nanalo naman sya dahil nakita nyang nag-igting ang panga nito. Nagulat naman ang buong class 4-E sa sinabi ni Mr. Javier, si Vincent at Bailey naman ay sumama ang tingin sa guro.



"The both of you, you and you, stand up!" utos nito sa katabi ni Jairrho at sa naka-upo sa likod nito, walang iba kung hindi ang mga kaibigan nya.



"Tell me, did Mr. Galvez gave you the codigo and cheated, too?" tanong nito sa dalawa. Lalo namang nagalit si Jairrho sa ginagawa ni Mr. Javier.

"Sir, hindi namin yun magagawa" paliwanag ni Vincent. Sa ngayon, napipigil pa nya ang sarili nya at ginagalang pa rin ang gurong nasa harapan nila.

"Hindi kami nandaya at lalong-lalo na si Jairrho" dagdag pa ni Bailey at pinagtanggol ang kaibigan. Napangisi naman si Mr. Javier sa inasta ng dalawang kaibigan ni Jairrho.


"Since all of you won't tell how Jairrho cheated and where the hell did he threw his codigo, ALL OF YOU WILL RUN AT THE FIELD FOR 30 ROUNDS!" sigaw nito sa buong class 4-E. Magkahalong gulat at inis naman ang naramdaman ng buong klase. Hindi na nakapagpigil pa si Jairrho at nagsalita na.



"MY CLASSMATES ARE INNOCENT! YOU DON'T HAVE TO DRAG THEM TO WHATEVER PROBLEMS YOU HAVE IN ME!" galit na sigaw nya sa kanilang guro. Sumusobra na ang teacher na 'to, kaya naman hindi na nya ito maigalang.




"Playing like a hero here, huh?! FINE! YOU WILL RUN IN THE FIELDS ALONE AND FINISH 60 ROUNDS!" ganting sigaw nito sabay turo sa labas. Lalong nanggigil si Jairrho kaya hinagis nya ang libro't mga notebooks nya sa unahan. Pagkatapos ay lumabas ng kanilang classroom at dali-daling naglakad pababa papunta sa field.

















Mag-uuwian na kaya naman madaming tao ang nakakakita at nanonood sa ginagawang pagtakbo ni Jairrho. Nakatanaw naman sa kanya si Mr. Javier at seryosong nakatingin sa ginagawa nya. Nabalitaan ni Carmaine ang ginagawa ni Jairrho kaya naman agad syang pumunta sa field para kausapin si Jairrho.




"Bumagal na ang pagtakbo nya, naka-ilang ikot na ba sya?" narinig ni Carmaine na tanong ni Carley sa kaibigang si Pamela.

"Ang usapan ay kailangan maka-60 na ikot sya sa field, sa pagkakaalam ko naka-45 na ata sya, eh" sagot naman ni Pamela habang nakatingin sa papalapit na Jairrho. Kinuha naman ni Carmaine ang chance na maka-usap si Jairrho.




"Jairrho?! Jairrho! Ano ba?! Bakit hindi mo sabihin ng totoo?! Hindi ka naman talaga nandaya, eh! Jairrho! JAIRRHO!" tawag nya dito habang sinasabayan si Jairrho sa pagtakbo. Hindi sya pinansin ni Jairrho kaya naman nainis sya at tumakbo papunta sa bagong principal.





"Mr. Javier, hindi po totoo na nandaya si Jairrho sa exam. Sabay po kaming nag-aaral lagi tuwing uwian at wala po akong nakikitang dahilan para mandaya sya dahil matalino po sya-" naputol ang pagpapaliwanag nya ng tignan sya ng kausap at magsalita ito.


My Times With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon