Transformation

19 8 0
                                    

Carmaine Love's POV






Pansin ko lang, ang saya-saya ko araw-araw nitong nga nakaraang araw. Bakit kaya? Happy lang ba ako masyado? O dahil kay- nevermind! Kaharap ko sya ngayon kaya erase-erase, hehehehehe.


"Hindi mo ba ma-gets?" tanong sakin si Jairrho. Ano raw? Ano ba ginagawa namin? Ah~ nag-aaral pala kami dito ulit sa cafè kasama si Carley, Pamela,Vincent at Bailey. Since tapos na ang klase at malapit na ang exam ay nag-aaral kami. Magkasama kami ni Jairrho sa iisang lamesa sabay magkakasama naman yung apat. Kanina ko pa tinititigan 'tong problem sa Math dahil hindi ko ma-solve.





"Ayaw ko na! Kanina ko pa ako nagta-try pero hindi ko makuha yung sagot. Bakit ba kasi kailangan ng ganyan? Kapag ba bumili ka sa tindahan magagamit yang mga function-function na yan? Hindi naman di ba- aray!" ano ba yan! Hindi pa nga ako tapos magpaliwanag hampasin ba naman ako ng ballpen? Hindi masakit pero may konting sakit.







"Tumigil ka na nga. Palibahasa hindi mo masagutan, eh" sabi sakin ni Jairrho sabay kinuha ang notebook ko may kung anong sinulat dun.







"Ayan, masasagutan mo na yan for sure" nakangiting sabi nya sabay inabot sakin ang notebook ko. Tinignan ko ang sinulat nya at yung solution! Buti naman, hindi ko kasi alam kung anong solution gagamitin ko, eh.









Ilang oras din kaming nag-aral. Ilang minuto ang inabot bago ko nakuha ang tamang sagot. Sa wakas, uuwi na kami dahil gabi na rin. Naghiwa-hiwalay na kami, since gentlemen si Vincent at Bailey ay ihahatid na raw muna nila ng aking mga naggagandahang mga kaibigan para safe. Syempre hindi lang sila ang gentleman, si Jairrho rin kaya!



Nandito na kami sa way papunta sa bahay ko, I mean namin ng pamilya ko. Sa medyo dulo pa ng kalsadang tinatahak namin ang bahay ko at ng family ko kaya medyo mahaba pang lakaran.






"Sa bandang dulo na ang bahay ko, pwede ka ng umuwi, kaya ko na, hehe" sabi ko sabay tinuro ang daan. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya, pati ang matuwa at kiligin. First time ako hinatid ng lalaki at si Jairrho pa!




"Okay lang, ihahatid na kita. Malay natin makita ko pa si Zemaika" sabi nya sabay ngumiti. Ouch! May Zemaika nga pala dito, at kapitbahay pa namin. Nawala na yung saya at kilig, napalitan na ng lungkot at sakit, konting sakit.









"Sya nga pala, charan~" nagulat ako dahil biglang humarang sa daan ko si Jairrho at nasa bandang mukha ko pa yung mga kamay nya. Napatingin ako dun dahil parang may hawak sya na kung ano.


"Keychain na may picture ni Piolo Pascual" sabi nya sabay tinanggal ang isang kamay nya na nakatakip sa keychain. WOW~ Si Piolo!




"Para sakin? YIE!" masayang sabi ko sabay kinuha ang keychain. Naglakad naman na sya ulit at ganun din ako. Naglalakad habang nakatingin sa keychain ni Piolo. Hindi ko na alam kung saan nanggagaling ang saya ko, kung sa keychain ba o sa taong nagbigay sakin nito. Yieeeeeee~









"Nga pala, Jairrho. Ano ba yung- yung ideal girl ng mga lalaki?" curious na tanong ko sabay tumingin kay Jairrho. Tumingin sya saglit sakin tapos nagsalita.



"Baka yung ideal girl ni Yuanjei ang gusto mong itanong" sabi nya sabay ngumisi. Napa-iwas naman ako ng tingin habang hinihintay sya na magsalita ulit.








"Type ni Yuanjei yung mala-Kim Taeyeon ng SNSD. Yung babaeng cute na maganda pa, simple at yung may magandang ngiti" nakangiting sabi nya sabay saglit na tumingin sakin.




My Times With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon