Better Jairrho Galvez

21 8 0
                                        

Third Person's POV




Pagkatapos ng nangyari kay Carmaine at Jairrho nung araw na yun ay nag-iba na si Jairrho. Maayos na ito kung manamit at umasta bilang patrol student. Ang classroom nila na noon na may kung ano-anong sulat sa pader at magulo, ngayon ay matatawag na talagang classroom. Ang lahat ng estudyante ay nagtataka at naninibago sa Jairrho ngayon.






Naka-upo ngayonsi Jairrho sa upuan nya habang naghihintay sa teacher na papasok. Gaya ng dati, maingay at magulo pa rin ang mga kaklase nya. Nagbabatuhan pa rin ng bote, nagsisigawan at kung ano-ano pa. Hindi nagtagalay dumating na ang teacher nila, si Sir Marcky Radan. Pagpasok ng teacher ay agad naman sumenyas ang pinakamatino nilang kaklase. Tumayo na ito at ganun din si Jairrho na ikinagulat ng class 4-E at maski ng guro.




"Good morning Sir Marcky" bati ni Jairrho at ni Mr. Pinakamatinongestudyantesaclass4-E. Bumati rin naman ang buong class 4-E pero sa pabirong paraan. Pagkatapos ay balik na naman sa dati nilang ginagawa. Ingay, hiyawan, sigaw at batuhan, natigil lang sila ng hampasin ni Jairrho ang table nito.


"Bumalik na kayo sa mga upuan nyo, ngayon din!" sigaw at utos nya sa mga kaklase nya. Agad naman syang sinunod ng mga ito at ang ilan pa nga ay natapilok at natisod sa pagmamadali.





"A-Ahm, Jairrho Galvez? M-May tanong ka ba?" uutal-utal na tawag ni Sir Marcky kay Jairrho. Pinansin naman sya ni Jairrho at agad tumayo.


"Yes Sir, anong page na tayo?" tanong ni Jairrho saka itinaas ang hawak na libro. Nagulat ang lahat at napanganga sa tanong ni Jairrho.



"P-Page 129 about sa arts ng mga taga-kanluran" sagot ng teacher nito sabay binuksan ang librong dala nito. Ganun din naman ang ginawa ni Jairrho sabay umupo pero naguguluhan sya na nakikita.






"Nasa'n na yun?" tanong nito sa sarili nya. Tama naman ang page nya pero hindi nya mahanap ang tungkol sa arts.




"J-Jairrho, English book yang hawak mo" sabi ni Sir Marcky na ikinatawa naman ng lahat.


"Bwahahahahahahahahahaha" tawa ng buong class 4-E. Nainis naman si Jairrho dahil napahiya sya kaya naman tumayo ito.





"Lahat kayo ilabas nyo ang arts book nyo! Kung sino ang wala lumapit sa meron!" sigaw nito sabay lumapit kay Mr. Pinakamatinongestudyantesaclass4-E. Kanya-kanya namang kuha ng libro ang natitirang class 4-E pero dahil larangan sila ng tunay na mga estudyante ay lumapit na lang sila kay Jairrho at kay Mr. Pinakamatinongestudyantesaclass4-E.






Maayos naman ang naging pagbabago ni Jairrho. Natuwa ang lahat dahil sa bagong Jairrho na nakikita nila. Lalo na si Carmaine na sobrang saya dahil bumalik na ulit sa dati si Jairrho. Speaking of, magkikita pala sila ni Jairrho dahil mag-aaral sila ng sabay. Dahil hindi ganun katalino ay tutulungan sya ni Jairrho.





"Ano ba susuotin ko? Magpa-pants ba ako? Skirt? Dress? High heels? Sneakers? Oh my gosh! One hour na lang! Ito na lang kaya? Pero mas okay to, eh. Argh! Ang hirap mamili" hindi magkanda-ugaga si Carmaine sa susuotin. Pero bago mamili ay nag-ayos muna sya ng sarili. Naglagay ng make-up at inayos ang buhok.







After 45 minutes ay natapos rin sya. Tuwang-tuwa sya sa sarili nya na nakikita nya sa salamin. Parang ibang tao ang nakikita nya, parang hindi isang Carmaine Love Anjarez ang nakikita nya.



"CJ! CJ! Ang ganda ba ni mommy? Maganda ba, huh?" tanong nya sa aso nyang si CJ. Si CJ na kinuha nila ni Jairrho kay Zemaika at Yuanjei. Nakatingin lang sa kanya ang aso at pagkatapos ay naglakad paalis.



My Times With YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon