True Feelings

17 9 0
                                    

Jairrho's POV



Bumubwelo muna ako at nag-iipon ng lakas, bago ako magsimulang ikwento kay Yuanjei ang nararamdaman ko. Aamin na ako sa kanya, kung ano ba talaga sakin si Carmaine, kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Kung paano humantong ang lahat sa ganito.


"Nagsimula ang lahat sa isang chain letter. Yung chain letter na akala ko, akala ni Bailey at Vincent ay love letter, na ipinadala nya sakin" umpisa ko sabay tumingin sa may damuhan kung saan nakatayo 'tong mga tent namin. Sinabi ko ang laman nung sulat hanggang sa mahulog at madulas ako sa hagdan.



SORRY! SORRY! SORRY! Hindi ko intensyon na mapahamak ka kaya sana gawin mo yung hinihingi sa sulat. Ayaw kong may mangyaring masama sakin kaya ko 'to pinasa sa'yo. Sana hindi ka mabangga, maaksidente o mawalan ng bahay. Sorry talaga!

"Hanggang dun lang ang nabasa ko hanggang sa madulas ako at mahulog sa hagdan. Akala ko noon, isang baliw, siraulo o tanga lang ang maniniwala sa mga ganun, sa isang chain letter. Si Carmaine, sobrang simple at sobrang bait nyang tao" sabi ko sabay ngumiti. Nakatingin lang sakin si Yuanjei at tahimik na nakikinig. Alam ko na alam din nya kung gaano kasimple at kabait ang isang Carmaine Anjarez.




"Nung nabasa ko yung sulat nya- gusto ko agad syang makita, makilala- at bigla kong nasabi sa sarili ko na gusto kong mapalapit sa kanya- gusto ko syang maging isang kaibigan" masayang sabi ko sabay yumuko at bahagyang tumawa. Tumingin ulit ako sa damuhan at nagpatuloy lang sa pagku-kwento.






"Ang akala ko nun, madali lang ang maghabol sa mga babae, akala ko madali lang ang magkagusto. Then, narealize ko na ang pagkagusto sa isang tao- kapag may tao kang nagugustuhan, hindi mo na yun malalaman" malumanay na pagku-kwento ko. Mula sa damuhan, nalipat ang tingin ko sa katapat naming tent, kung nasaan sya nandun at malamang ay natutulog na. Naalala ko kung paano inapakan ni Zemaika nung inaya ko sya na maging girlfriend ko. Nakakahiya sobra dahil nakita pa nya yung nangyari. Tinuloy ko na ang pagku-kwento at iniba ang iniisip ko.
















"Kapag mag-uusap kami, magkakatabi at magkikita, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, madalas lang yung kaba" sabi ko sabay bahagyang tumawa. Pero kanina, habang magkausap kami at magkatabi, hindi na kaba yung naramdaman ko. Para akong lumulutang, sumasabog yung puso ko at parang gustong kumawala sa loob.



"Dati kaba ang nararamdaman ko, lalo na yung araw na yun. Yung magkikita kami sa tapat ng bookstore, para sabay mag-aral sa may paborito nyang cafè. Nakita ko na sya sa malayo pa lang gamit yung side mirror ng nakaparadang motor malapit sakin at aaminin ko, natulala ako nung makita ko sya. Sobrang ganda nya nung araw na yun at sobra akong kinabahan habang palapit sya ng palapit sakin" nakangiti kong sabi habang muling iniisip ang pangyayaring yun. Nagawa ko pa syang asarin at sabihin na mukha syang kumare ng mama ko. Natatakot lang kasi akong sabihin ang totoo kaya ko sinabi yun.









"Nung araw din na yun, muntik na syang masagasaan. Nainis ako dun sa motor pero nagpapasalamat din. Sa unang beses, nahagkan ko sya, sa unang beses, nalaman ko na bibilis ng sobra ang tibok ng puso ko" halos paiyak na sabi ko. Akala ko kasi nun, sa pagtakbo lang bibilis ang tibok ng puso ko. Pero dahil sa kanya, napatunayan ko na hindi lang pala.






"Kapag naalala ko yun, gusto ko ulit humiling na sana mangyari yun, para mahawakan ko ulit sya, para mayakap ko ulit sya" sabi ko at ngumiti. Syempre, hindi ko sya pababayaan na masagasaan.








"Gusto kong lagi kaming nagkakaintindihan, ayokong ma-misunderstood nya ang mga bagay-bagay na ginagawa ko. Pero madalas, at the end of the day, lagi na lang syang nalulungkot" pagtutuloy ko kasabay ng paglaho ng ngiti ko. Yung araw na yun, yung araw na dumating at lumapit sakin si Zemaika. Nagsinungaling ako at malamang dahil dun kaya sya naging malungkot. Feeling ko ng mga oras na yun, ang laki kong tanga!







My Times With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon