Carmaine Love's POV
Ilang araw na lang entrance exam na para sa mga university na gusto naming pasukan sa college. Pero sa ngayon, naghahanda muna kami dahil sa Friday na ang exam at Monday na ngayon.
"Good morning Carmaine" magkasabay na bati ni Carley at Pamela. Tinanguan ko lang sila tapos ngumiti tapos umupo na sa upuan ko. Nilabas ko muna ang isang libro habang walapang teacher at nagbasa pero naistorbo ako ng makita ko si Zemaikana umiiyak. Anong nangyari sa kanya? Nag-away ba agad sila ni Jairrho?
"Carley, Pamela, anong nangyari kay Zemaika?" tanong ko sa dalawa na tumingin kay Zemaika. Sumenyas lang sila na hindi nila alam kaya naman tumingin na lang ulit ako kay Zemaika.
"Tatanungin ko ba?" tanong ko sa sarili ko. Tumayo na ko para sana lumapit kay Zemaika ng bigla namang dumating si Abygale.
"Zemaika, ayos ka lang ba? Sorry ngayon lang ako" bungad ni Abygale kay Zemaika. Mukhang may problema ata si Zemaika, kawawa naman sya. Umupo na lang ako tapos ay tumingin sa kanila.
"Nakakainis talaga yang Jairrho na yan, pagkatapos ng lahat, iniwan ka lang at pumunta sa ibang bansa?! Naku~ buti na lang talaga at wala na yang Jairrho na yan" panggagalaiti ni Abygale habang inaalo si Zemaika. ANO?! INIWAN?! IBANG BANSA?! WALA NA SI JAIRRHO?! Imposible, bakit- bakit?!
"Carmaine!" tawag sakin ni Carley at Pamela pero hindi ko sila pinansin. Tumakbo na ako palabas ng classroom para hanapin si Jairrho, magbabakasali na makita ko pa sya. Kailangan ko syang makita, Jairrho? Asan ka naba?
Nilibot ko na ang buong school at isang lugar na lang ang hindi ko pa napupuntahan, ang classoom nila. Dali-dali akong tumakbo papunta dun, umaasa na sana- sana nandun sya. Pagpasok ko sa classroom nila ay kalungkutan agad ang naramdaman ko. Ang buong klase ay malungkot at ang upuan ni Jairrho ay bakante na.
"Huli ka na, Carmaine" malungkot ang tinig na sabi ni Bailey sabay tumingin sa upuan ni Jairrho. Huli na ako, huling-huli na ako.
"Umalis na si Jairrho at mukhang hindi na sya- hindi na sya- hindi na sya babalik" paiyak na sabi ni Vincent sabay yumuko. Hindi pwede, hindi na sya babalik? Hindi ako naniniwala, babalik sya, alam kong babalik si Jairrho.
"Hindi, hindi 'to pwede" bulong ko habang umiiyak. Hindi ko na napigilan at bumuhos na ang luha ko. Ang araw na yun na pala ang huli naming pagkikita, hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos. Pero bakit? Bakit hindi man lang sya nagsabi? Bakit umalis na lang sya ng biglaan? Bakit sya umalis? Kailan sya babalik? Saan sya pumunta? Jairrho~
"Nagpaalam naman sya samin pero hindi namin alam na hindi sya nagpaalam kay Carmaine" bulong ni Bailey kay Pamela. Bumulong pa sya, rinig ko naman, eh. Sumenyas naman si Carley na itigil na ang usapan.
"Tama na nga yan" saway ni Carley sa kanila kaya tumahimik na lang sila. Tumambay lang kami saglit sa garden ng school bago umuwi. Habang pauwi ay tulala lang ako kaya naman hindi ko namalayan na muntik na naman akong masagasaan.
"Tabi, Carmaine! Ayos ka lang?" tanong ni Yuanjei pagkatapos akong itabi sa gilid ng daan. Nakita ko naman ang motor na mabilis ang takbo, muntik na naman ako. Nailigtas na naman ako, pero hindi na si Jairrho, si Yuanjei na ngayon.
BINABASA MO ANG
My Times With You
LosoweI'll never forget the times that we had together. That unforgettable time I had with you.
