Behind Everything

19 8 0
                                    

Third Person's POV




Nai-kwento na ni Yuanjei ang napag-usapan nila ni Jairrho nung gabing yun. Nai-kwento rin nya ang araw na binigay ni Jairrho ang magic notes kay Yuanjei para ipaabot kay Carmaine.




"Carmaine, sa huling araw na bago umalis si Jairrho, sinabi nya sakin ang mga nangyari sa kanya. Ayaw nyang sabihin sa'yo at malaman ang totoo dahil sisisihin mo ang sarili mo" kwento ni Yuanjei sabay tumingin kay Carmaine na noon ay umiiyak na. Kinuha naman nya ang panyo mula sa bulsa nya at inabot kay Carmaine. Kinuha yun ni Carmaine at ginamit pamunas sa mga luha nya.



"Pero tingin ko kasi~ kailangan mo 'tong malaman. Umalis si Jairrho dahil kailangan nyang magpa-surgery" dagdag ni Yuanjei. Saglit namang napatigil sa pag-iyak si Carmaine at tumingin kay Yuanjei. Nagtatanong ang mga mata ni Carmaine, nagtataka kung bakit kailangan ni Jairrho yun?




"S-Surgery? Ba-Bakit?" nagtatakang tanong nito. Nag-aantay lang sya sa sagot ni Yuanjei sa tanong nya. Maya-maya pa ay ngumiti naman ng mapait si Yuanjei saka tumingin kay Carmaine at ipinagpatuloy ang pagsasalita.






"May namuong blood cloth sa ulo ni Jairrho at dahil dun kailangan syang operahan. Nung araw na nabasa nya yung letter, nadulas at nahulog sya habang pababa ng hagdan" paliwanag nito. Naalala bigla ni Carmaine na pagkatapos nyang ilagay ang letter sa locker nito, kinabukasan nun ay nakita nya na pumasok ng may benda sa ulo si Jairrho. Nadulas at nahulog ito sa hagdan habang binabasa ang sulat na ibinigay nya.










"Ilang araw after nun, nakipag-away sya at tumama na naman ang ulo nya sa bakal, tapos nung bumagsak sya habang tumatakbo sa field. Yan yung ibang mga dahilan kaya sya nagkaroon ng blood cloth. Pero namuo na yung dugo, sa una pa lang, after nyang mahulog at tumama ang ulo nya sa kanto ng hagdan" paliwanag ni Yuanjei. Napaiwas naman ng tingin si Carmaine, iniisip kung paano nalaman ni Yuanjei ang iba dun. Pero dahil sa mga narinig nya ang wala syang nagawa kung hindi umiyak at humagulgol. Ngayon, nangyari na ang ayaw mangyari ni Jairrho, sinisisi ni Carmaine ang sarili nya sa lahat ng nangyari. Sya ang nagbigay ng sulat at dahil sa kanya kaya nangyari ang mga bagay na yun kay Jairrho, sa isip-isip nya.


"Nung naospital sya, sinabihan sya ng doctor tungkol dun pero nakuha pa nyang magbiro at sinabi na dapat sisihin ang madulas na hagdan. Nainis pa nga ang doctor dahil binalewala lang yun ni Jairrho" dagdag pa ni Yuanjei sabay tumingin sa itaas, sa kalangitan. Nagdidilim na ang langit, pagabi na rin kasi.













"Kaya naman, naisipan ng parents ni Jairrho na ipadala na lang sya sa US para doon operahan at doon na rin mag-aral. Yun na na rin naman ang plano nila, dati pa. Nung pumunta sa office si Jairrho, hindi sya pinatawag para pagalitan. Pinatawag sya para ibigay ang form kay Jairrho dahil nag-drop out na sya. Nag-usap din sila ni Mr. Javier at nagkaayos" paliwanag ni Yuanjei. Si Carmaine naman ay unti-unti ng tumitigil sa pag-iyak. Tumingin naman sa kanya si Yuanjei at napangiti.










"Alam mo ba? Nung nasa ospital si Jairrho, dinalaw ko sya, after yun ng 4th quarter exam natin" kwento nya sabay lumingon naman sa kanya si Carmaine. Umiwas sya ng tingin dito at tumingin sa madilim na noong kalangitan dala ng gabi.








"Nakita ko sya sa pintuan pa lang na may ginagawa. Akala ko kung ano, yun pala, nagsasagot sya sa exam, nag-take pa rin sya ng exam" dugtong nito. Tahimik lang na nakikinig ni Carmaine at pino-process ang lahat ng nalalaman nya tungkol kay Jairrho.









"Tapos nung pumasok ako, tinanong ko sya kung bakit pa nya ginagawa yun. Alam mo ba yung sagot nya?" tanong nya kay Carmaine sabay lumingon dito. Tumingin lang sa kanya si Carmaine ng may pagtatanong sa mga mata. Ngumiti lang sya at pinagpatuloy na ang pagsasalita.















My Times With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon